outbrain

Horoscope, March 17, 2020

By Madam Sophia March 17,2020
share this

Horoscope, March 17, 2020

By Madam Sophia March 17,2020
share this

Para sa may kaarawan ngayon: May mga pagsubok muna, pero matapos ang mga pagsubok, inilaan ka ng langit sa malaking pagyaman. Ngunit may dapat kang gawin, kapag mayaman ka na, laging tumulong sa mga mahihirap at mga may kapansanan. Markahan ang 6, 19, 28, 27, 38, at 44. Green at yellow ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)- Wag kang makisawsaw sa problema ng iba, upang hindi ka madamay. Atupagin mo na lang mabuti ang mga bagay na pagkakaperhan. Sa lovelife, ang sarili mong kasuyo ang iyong paki-alaman. Markahan ang 3, 18, 21, 24, 40 at 48. Pink at blue ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)- Sa pinansyal, wag kang umasa sa puhunan na hindi naman sa ‘yo. Dumiskarte ng sariling pagkakakitaan. Wag asa ng asa sa iyong amo, ang isipin mo ay kung paano ka magiging amo pag dating ng araw. Sa lovelife, tulungan mo ang kasuyo na makaraos hindi yong puro sarili mo lang ang iniintindi mo. Markahan ang 6, 3, 22, 28, 33, at 49. Lilac at violet ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)- Sa pinansiyal ipagpatuloy ang pagko-concentrate sa gawaing pagkakaperahan malapit ka ng umunlad at yumaman. Sa lovelife, hindi ka hahabulin ng iyong kasuyo, ikaw ang dapat na gumawa ng unang hakbang upang muling uminit ang pagmamahalan. Markahan ang 5, 17, 19, 27, 35, at 49. Gry at gold ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)-Ngayon pa lang umpisahan mo ng ipractice ang diwa ng Holy Week. Magtago muna sa isang tahimik at malapit sa nature na lugar. Kapag nagawa mo yan, kusang mawawala ang lahat ng iyong problema at magkakaroon ka ng peace of mind. Markahan ang 2, 7, 16, 27, 34, at 45. Green at white ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)- Upang hindi ka mahirapan sa kasalukuyang sitwasyon pabayaan mo lang na mangyari ang lahat ng iyan – positive or negative man, hayaan mo lang na dumaloy sa iyong harapan. Dahil ang lahat ng iyan sa bandang huli ay sa mabuti at sa magagandang kapalaran din mauuwi. Markahan ang 1, 10, 28, 32, 40 at 49. Red at purple ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)-Upang magtagumpay mas mahalaga na sabihin mo ang iyong nararamdaman kaysa sa kung ano ang iyong iniisip. Sa lovelife, ipagtapat na sa minamahal ang laman ng iyong damdamin. Sa pinansyal wag hayaan makaalis ang isang kaibigang hindi mo na iaalok ang iyong produkto. Mapalad ang 5, 18, 22, 32, 39, at 41. White at blue ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)- Lagyan ng lambing ang ginagawa. Higit na kikita ng malaking halaga kung uutuin ang kliyente sa pamamagitan ng matatamis na salita. Sa lovelife, mamayang hapon, uwian ang kasuyo ng tatlong pagkaing bilog, na kapag hinigop ang sabaw ay nakapagpapalaks ng tuhod. Markahan ang 6, 9, 27, 39, 40 at 49. Purple at maroon ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)- Sa tulong ng isang kaibigang Cancer may malaking halaga ng salapi na mahahawakan. Sa lovelife, aalialigid ang isang Aries na nuon pa may pagnanasa sa’yo at patuloy na naglalaway. Markahan ang 6, 14, 25, 33, 42 at 49. Red at lilac ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)- Tuloy-tuloy na gaganda ang iyong buhay lalo na sa pinansyal at sa aspetong pangdamdamin. Ang kapalaran mo ay tulad din ng pisikal mong istura, mentras gumaganda lalong sinusuwerte at pinagpapala ng langit. Markahan ang 3, 9, 29, 34, 42, at 48. Magenta at pink ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)- Disiplina ang magpapaunlad at magpapaligaya sa relasyon. Wag abusuhin ang katawan sa mga gawaing wala namang kabuluhan. Laging isa isip ang pagpapayaman at laging alagaan ang kalusugan upang lalo pang humaba ang masasarap na karanasan mo sa buhay. Markahan ang 7, 17, 29, 34, 38 at 47. Green at yellow ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)-Parang walang nangyayaring pag-unlad sa iyong buhay at puro kalungkutan na naman. Hindi ka dapat mabahala, ang pangyayaring ito ay isang uri ng malakas na buelo ng tadhana na sa sandaling bulamik sa iyo, puro suwerte at magagandang kapalaran na ang magaganap. Markahan ang 4, 19, 20, 34, 40 at 47. Violet at blue ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)-Sa pinansyal, wag pang hinayangan ang nakaraang mga pagkalugi. Sa iyong mga pagkamamali, matututo ka na hanggang sa yumaman. Sa lovelife, matapos ang tampuhan, bati na naman kayo ng kasuyong sumpungin. Markahan ang 2, 7, 27, 34, 40, at 47. Gray at gold ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending