Chemist may pa-libreng homemade alcohol | Bandera

Chemist may pa-libreng homemade alcohol

Djan Magbanua - March 13, 2020 - 04:05 PM

WITH the community quarantine in effect, maraming mga tao ang nagkakandarapa nang bumili ng protective equipment laban sa highly infectious na COVID-19 tulad ng facemask at alcohol.

Isang licensed chemist ang nagdesisyong tumulong.

Ayon kay Meg Reyes-Sy, ginamit niya ang kanyang pagiging licensed chemist para makagawa ng home made alcohol na ipapamahagi nya sa madla ng libre.

Graduate si Meg ng BS Chemistry sa UST noong 2012. She passed the board on 2013.

Naisipan lang daw ito gawin ni Meg nang mabasa nya sa mga post ng kaibigan na kailangan ng parents nila ng alcohol

“Naisip ko kasi nakita ko yung posts ng friends ko na may parents sila na need ng alcohol pero dahil may hoarders, wala sila mabilan. I used to sell mga hand sanitizers and hand sprays naman na before so I decided to do it again.” aniya sa interview sa Inquirer Libre.

Ngayon, ang ipinamamahagi nyang 70% ethyl alcohol ay nais nyang maiparating sa mga nangangailangan, lalo na sa mga may kasamang matatanda at bata sa bahay.

Sa mga gustong makakuha sa kanya ng alcohol, kailangan lang magpadala ng photo ng mga kamag-anak kasama ang mga bata at matatanda bilang patunay. Kailangan din magprovide ng lalagyan para sa alcohol.

Mas okay ang mga lumang bote ng alcohol. Babayaran ng nag rerequest ng alcohol ang courier fee sa pagpapadala ng alcohol. Limited sa 250 ml per person ang ibibigay nya sa 100 katao. Inaanyayahan nyang magpadala ng mensahe sa kanyang Facebook account ang mga nais makakuha.

She only asks that people who will receive it will pay it forward by doing a random act of kindness to a complete stranger.

Sa ngayon, ilang mga nanay na taga Taytay, Rizal at ilang malalapit sa address nya ay nagtungo mismo doon upang makapagparefill.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Anim na galon ng alcohol ang kanyang nagawa.

For those who are not a licensed chemist, however, na gustong subukan gumawa ng alcohol eto ang kanyang payo:  “As a chemist, I don’t really advise that you mix your own. Kasi syempre you have to know yung safety measures and not many people know that. If you have a background na, better siya. It’s simple pero syempre may mga precautions lang din na dapat ma follow.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending