Boy pinaiyak ni Moira: Nasasayang ang oras dahil hindi ka nagpapatawad | Bandera

Boy pinaiyak ni Moira: Nasasayang ang oras dahil hindi ka nagpapatawad

Julie Bonifacio - March 13, 2020 - 12:55 AM

BOY ABUNDA AT MOIRA DELA TORRE

TINAMAAN ang King of Talk na si Boy Abunda sa bagong kanta ni Moira dela Torre titled “Patawad”.

“Pinaiyak mo ako,” sabi ni Kuya Boy kay Moria sa nakaraang episode ng “Tonight with Boy Abunda.”

Dahil hindi naman mahilig maglabas ng kanyang emosyon sa TV lalo na kapag naiiyak siya, tinakpan na lamang ni Kuya Boy ang kanyang mukha habang nilapitan naman siya ni Moira at niyakap.

Tinamaan si Kuya Boy ng lyrics ng kanta ni Moira after he realized na hindi lang pala sa mga magkarelasyong nag-iibigan ang mensahe ng bago niyang kanta na “Patawad” kundi maging sa iba pang klase ng relationship.

“Thank you for your music. Thank you for the words. What people don’t realize is, this just doesn’t talk about lovers. It talks about families. I realized as I was listening to the words, ang dami mong sinasayang na oras na hindi ka nagpapatawad sa sarili mo at sa mga mahal mo sa buhay at ang daming, you know, you go back to the past and say, sayang ang panahon,” mahabang pahayag ni Kuya Boy.

Hindi maikakaila na may kinalaman sa family ni Kuya Boy kaya siya naiyak sa lyrics ng kanta ni Moira. Very sentitive pa rin kasi ang award-winning TV host everytime maiisip niya ang kanyang pamilya, especially ang kanyang butihing ina na si Nanay Lesing Abunda na yumao noong Dec. 1, 2019.

“Tito Boy still misses his mother so much,” comment ng isang netizen nu’ng mabilis na nag-viral sa social media ang pag-iyak ni Kuya Boy sa TWBA.

“It made me cry. I feel you Tito boy, it’s just not about lovers. The piece of this song is significant when it comes to family,” dagdag pa nito.

Samantala, nag-guest din si Moira sa Kapamilya morning show na “Magandang Buhay” recently. Dito ikinuwento niya how grateful she is for having singer/composer Jason Marvin as her husband na itinuturing din niyang soulmate.

Tinanong ni Momshie Jolina Magdangal, isa sa hosts ng “Magandang Buhay,” kung nakapag-honeymoon ba agad sila ni Jason after their wedding.

“Actually, dapat po magtu-tour na agad kami, tapos isasabay na namin yung honeymoon doon. Pero nagkasakit ako nu’ng February. And then, for three months nasa ospital lang kami. Back and forth po. Kasi, malapit lang ‘yung ospital sa bahay namin. So, in and out everyday for three months,” paliwanag ni Moira.

Nag-undergo ng isang treatement ang Kapamilya singer pero hindi ito naging maayos at kinailangan ng series of procedures everyday para maitama ang sumablay na gamutan.

“If nangyari po ito sa akin years ago, siguro tinamaan na ulit ako ng depression. Kasi ang trigger points, e. Kasi, depressive mode ‘yung ano sa akin, e. Hindi siya ‘yung full on depression. ‘Yung akin, based on triggers. So, kapag halimbawa may nangyayari na may trauma ka about that, nagti-trigger po siya,” lahad pa ni Moira.

Say pa niya, “But, si Jason sobrang perfect timing po nang pag-move in namin together. Kasi, I don’t think I would have been this strong and this brave if not for my husband.”

Ayon pa kay Moira, after ng pinagdaanang treatment, pinlano nila agad ng asawa ang kanilang honeymoon na naganap nga sa Palawan at Maldives. Sosyal, ‘di ba?

Well, perfect talaga ang combination nina Moira at Jason gaya ng hit song nila ngayon, and favorite wedding song ngayon ng madlang pipol, ang “Ikaw at Ako.”

Tungkol naman sa pinagdaanang depresyon, wala raw siyang masandalan noon dahil feeling niya kailangan niyang magpakatatag para sa mga kapatid, “Ang tricky po kasi nung may mental health issue ka tapos hindi ka aware. At that time, I didn’t really know how to cope so I went to music. So there were so many times that I didn’t spend time with my family enough.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Feeling ko burden ako. Feeling ko mistake ako…pero sila po, wala po silang pagkukulang at all. Awa na lang po talaga ng Diyos na may narating yung buhay ko. Siguro po dahil ate ako, I have to have it altogether all the time,” pahayag pa ni Moira.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending