Bamboo biktima na naman ng fake news: 3 beses nang pinatay sa socmed
NANAWAGAN ang kampo ni Bamboo Manalac sa madlang pipol na huwag maniwala sa fake news na patay na ang singer-composer.
Ayon sa mga taong nagmamalasakit sa The Voice Teens coach, hindi totoo ang kumakalat na video at photo sa social media na nagbabalitany pumanaw na raw ang OPM rock icon.
Viral na kasi ngayon ang isang death hoax patungkol kay Coach Bamboo dahil marami na ang nag-share sa socmed. Marami na rin ang nagtatanong kung totoo ba ang nasabing balita.
Ayon sa kampo ni Bamboo, buhay na buhay ang The Voice coach kaya huwag mag-alala ang kanyang fans.
Hindi ito ang unang pagkakataon na naging biktima ng fake news si Bamboo. Sa katunayan, ito na yata ang ikatlong beses na pinatay ang singer ng mga taong walang magawa sa buhay.
Kung matatandaan unang napabalita na pumanaw ang singer-composer noong 2014 at naulit lang last year kung saan sinabing naaksidente raw ito sa isang car crash sa Quezon province.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.