4 na bagong kaso ng COVID-19 naitala: kabuuang kaso umakyat na 24
KINUMPIRMA mismo ni Pangulong Duterte kagabi na apat na bagong kaso ng corona virus disease (COVID-19) ang naitala dahilan para umabot na ang kabuuang kaso sa 24.
“Twenty-four lahat as of last count. But the infection, the transmission is going on kasi may mga bago eh nadagdagan 20 plus four, it’s 24,” sabi ni Duterte sa isang press conference.
Lunes ng hapon, inihayag ng Department of Health (DOH) ang 10 karagdagang kumpirmadong kaso ng COVID-19 mula sa dating 10 pasyente.
“There was one in West Crame, San Juan, Sta. Maria — Sta. Maria ba ‘to? Bulacan, and Project 6 sa Quezon City. One, one, one. Tig-isa sila,” dagdag ni Duterte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.