NGAYONG National Women’s Month kilalanin natin ang mga may dugong Pinay na sumikat sa iba’t ibang larangan at kinilala hindi lamang sa Pilipinas kundi ng buong mundo.
Lea Salonga
Ang singing voice ni Lea Salonga ang nasa likod ng Mulan at Aladdin (Jasmine) ng Disney.
Bago ito ay sumikat siya sa Miss Saigon sa edad na 18 at naging kauna-unahang Asian woman na nanalo ng Tony Award.
https://www.instagram.com/p/BpRTgl8leyJ/
Siya rin ang kauna-unahang Philippine Artist na nagkaroon ng major album release at distribution deal sa Estados Unidos. Umabot sa 19 milyon ang naibentang kopya ng kanyang mga album sa buong mundo.
Si Lea rin ang kauna-unahang Asian actress na gumanap sa role ni Éponine at Fantine sa Les Misérables.
Ginawa rin siyang Goodwill Ambassador for the Food and Agriculture Organization ng United Nations.
Cristeta Comerford
Isang chef ang Filipina-American na si Cristeta Pasia Comerford. Hindi sa chef sa restaurant kundi executive chef ng White House. Siya ang unang babae at unang non-white person na humawak ng naturang posisyon.
As the White House’s top chef, Cristeta Pasia-Comerford has cooked the meals of three US presidents, countless heads of state and an esteemed array of visiting dignitaries, including Queen Elizabeth II. https://t.co/4ifQ3LZEeT pic.twitter.com/lkDFownG5O
— Inquirer (@inquirerdotnet) November 12, 2019
Siya ay nag-aral sa University of the Philippines bago pumunta sa Amerika. Nagtrabaho siya sa iba’t ibang restaurant bago kinuha ng noon ay White House Executive chef na si Walter Scheib III noong 1995. Nang umalis si Scheib kinuha si Cristeta ni First Lady Laura Bush na kapalit nito.
Bernadette Neri
Isang award-winning na author at playwright si Bernadette Neri. Siya ang sumulat ng kauna-unahang lesbian-themed children’s book sa bansa na may titulong Ang Ikaklit sa Aming Hardin.
Siya ay miyembro ng faculty ng Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas sa University of the Philippines, Diliman.
Natividad Almeda-Lopez
Si Natividad Almeda-Lopez ang kauna-unahang Filipina na naging abogado. Nakapasa siya sa bar noong 1913 subalit dahil siya ay bata pa ay ipinasok lamang ang kanyang pangalan sa Roll of Attorneys makalipas ang isang taon.
Sa edad na 26, nagsalita siya sa Philippine Legislative Assembly para itaguyod ang karapatan ng mga kababaihan.
Noong 1919 kinuha siya ng Bureau of Justice bilang assistant attorney ng Attorney General’s Office.
Siya rin ang unang babae na naging judge sa municipal court ng Maynila ng italaga ni Pangulong Manuel Quezon noong 1934.
Elisa Rosales-Ochoa
Si Elisa Rosales-Ochoa ang kauna-unahang babae na naging miyembro ng Philippine Congress.
Nang manalo sa plebisito ang karapatan ng mga babae na makaboto, nagbago ang political landscape ng bansa.
Sumali si Elisa sa 1941 congressional elections sa Agusan at nanalo kaya nalagay siya sa kasaysayan bilang kauna-unahang congresswoman.
Monique Lhuillier
Nakilala ang fashion designer na si Monique Lhuillier nang gawin niya ang wedding dress ng pop star na si Britney Spears.
Ilang sikat na Hollywood celebrities din ang ginawan niya ang damit gaya nina Gwyneth Paltrow, Reese Witherspoon, Kristen Stewart, Jennifer Lopez, Taylor Swift, at Katy Perry.
https://www.instagram.com/p/BcOhDu2Ajis/?utm_source=ig_embed
Nag-aral siya sa Cebu City bago lumipat sa Switzerland at nagpunta sa Los Angeles upang ipagpatuloy ang kanyang fashion designing career.
Josephine Santiago-Bond
Si Josephine Santiago-Bond ang head ng Advanced Engineering Development Branch sa Kennedy Space Center ng NASA.
Ipinanganak siya sa Amerika at noong dalawang buwang gulang ay umuwi sa bansa ang kanyang mga magulang. Lumaki siya sa Antipolo.
Nag-aral siya sa UP at kinuha ang kursong Electronics and Communications Engineering bago bumalik sa Amerika para sa kanyang Master’s Degree sa Electrical Engineering sa South Dakota State University.
Cory Aquino
Nakilala si Cory Aquino bilang asawa ng pinaslang na si Sen. Benigno Aquino Jr., bago naging ika-11 pangulo at kauna-unahang babaeng pangulo ng Pilipinas.
Siya ay isa sa pinaka-prominenteng tao sa EDSA Peoples Power revolution na hinangaan ng mundo dahil sa hindi marahas na pagpapalit ng gobyerno.
Na-diagnose siya na may colorectal cancer noong 2008 at namatay nang sumunod na taon.
Apo Whang-Od Oggay
Si Apo Whang-Od Oggay ang pinakamatandang tattoo artist sa mundo. Maraming dumarayo sa kanya sa Kalinga para magpa-tattoo gamit ang sinaunang pamamaraan.
Kinikilala ng National Commission for Culture and the Arts ang kanyang kontribusyon sa kultura ng Pilipinas kaya binigyan siya ng Dangal ng Haraya Award.
Miss Universe
Apat na ang naging Miss Universe titleholder ng Pilipinas.
Una si Gloria Diaz na nanalo noong 1969.
Sumunod si Margie Moran-Floirendo noong 1973.
Pangatlo si Pia Wurtzbach na nanalo noong 2015.
At panghuli si Catriona Gray na nanalo noong 2018.
https://www.instagram.com/p/B6J4Yd7ABVY/
Bukod sa kanila ay marami pang Filipina ang nakasungkit ng mga parangal dahil sa kanilang ganda at talino.
Sports
Ang mga pangalang Elma Muros, Lydia de Vega at Hidilyn Diaz ay ilan lamang sa mga Filipina na nagdala ng parangal sa bansa dahil sa kanilang taglay na galing sa kanilang larangan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.