Angelica: Gustong-gusto kong mag-asawa at magka-baby pero... | Bandera

Angelica: Gustong-gusto kong mag-asawa at magka-baby pero…

Bandera |March 06,2020
facebook
share this

Angelica: Gustong-gusto kong mag-asawa at magka-baby pero…

Bandera - March 06, 2020 - 12:55 AM

ANGELICA PANGANIBAN

MUKHANG tanggap na ni Angelica Panganiban kung hindi na dumating ang kanyang “Mr. Right” at tumanda nang dalaga.

Ayon sa Kapamilya actress, masaya siya ngayon sa kanyang buhay kahit walang boyfriend. Ine-enjoy niya nang bonggang-bongga ang pagiging single.

Pero ayon sa tinaguriang Hugot Queen, gustung-gusto rin niyang magkaroon ng sariling pamilya – ang mag-asawa at magkaanak.

Ito ang tugon ni Angelica sa isang netizen na nagtanong siya sa pamamagitan ng Twitter kung hindi ba siya naiinggit sa mga kaedad niyang celebrities na nagpapakasal na para bumuo ng sari-sarili nilang family.

Tanong ng isa niyang follower, “How’s your love life? ‘Di ka ba minsan napapaisip na ‘yung ibang kasabay mo sa showbiz may kids na or family na, tapos ikaw wala pa?”

“Pero I know happy ka and successful. Just want to know if sumasagi sa isip mo ‘yun,” hirit pa nito.

Ito naman ang sagot sa kanya ng aktres, “Always. Gusto ko ng family. Kids. Pero hindi sa lahat binibigay ‘yun. Okay naman ako.”

Hindi ito ang unang beses na nagpahayag si Angelica na nais na niyang lumagay sa tahimik. Feeling niya, sa edad na 33 ay pwedeng-pwede na siyang mag-settle down. Noong January, 2019 nag-tweet pa si Angelica na gusto na niyang magkaasawa bago mag-2020.

“Gusto ko mag-asawa. Parang ice cream lang hiningi ko eh noh?” aniya. Pero hanggang ngayon ay nananatili pa rin siyang single.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending