Van ni Kim Chiu pinagbabaril ng riding-in-tandem sa QC | Bandera

Van ni Kim Chiu pinagbabaril ng riding-in-tandem sa QC

Ervin Santiago |March 04,2020
facebook
share this

Van ni Kim Chiu pinagbabaril ng riding-in-tandem sa QC

Ervin Santiago - March 04, 2020 - 08:50 AM

KIM CHIU

PINAGBABARIL ng riding in tandem ang van ng Kapamilya actress na si Kim Chiu sa Quezon City pasado ala-6 kaninang umaga.

Walang tinamaan ng bala ayon sa report ng pulisya at ligtas naman ang aktres at ang kasama nitong personal assistant.

Papunta si Kim sa taping ng teleseryeng Love Thy Woman nang maganap ang pamamaril.

Ayon sa driver ni Kim na si Wilfredo Taperla, base na rin sa initial statement nito sa pulisya, dalawang lalaki na nakasakay sa motorsiklo ang bigla na lang nagpaputok sa kanilang sasakyan.

Aniya, binabagtas nila ang kahabaan ng Katipunan Avenue sa Quezon City at nang makarating sa kanto ng C.P. Garcia ay saka sila pinaputukan ng mga suspek.

Sa kabila ng insidente, sinabi ng driver ng van na tumuloy pa rin ang Kapamilya actress sa taping ng kanyang teleserye. Hindi raw ito nagpaapekto sa nangyari at tumuloy pa rin sa trabaho.

Sa kasalukuyan ay iniimbestigahan pa rin ng Quezon City Police District ang kaso para matukoy ang motibo ng pamamaril at sino ang nasa likod nito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending