Edu Manzano na-bad trip sa mga politikong nakasama sa inuman…bakit kaya?
TILA na-bad trip ang award-winning actor na si Edu Manzano nang makarating sa kanya na ilang politiko ang napikon nang tawagin niya ito sa kanilang first names.
Ayon sa veteran actor, nangyari ang insidente sa isang dinner/inuman na kanyang dinaluhan kamakailan kung saan present din ang ilang dating politicians tulad niya.
Idinaan ni Edu sa Twitter ang kanyang sumbong tungkol sa nangyari. Aniya, na-offend umano ang mga former government officials sa pagtawag niya sa mga ito sa kanilang first names. Paniwala ng aktor, wala siyang nakikitang mali rito, unang-una nasa inuman daw sila kaya walang dahilan para ikabit pa rin sa kanila ang mga dating titulo.
Tweet ni Doods, “Just came from a dinner…
“Why should I call an ex-Mayor.. Mayor? Why should I call an ex-Cong.. Congressman?
“What is wrong with people calling each other by their first names?
“Then you find out out they were hurt! Have you forgotten I pay taxes and your salaries?”
Maraming kumampi kay Edu matapos kumalat ang kanyang tweet. Isang netizen ang nagsabi na nakakita ng katapat ang mga politikong feeling entitled pa rin sa iniwanang posisyon sa pamahalaan.
Ayon sa isang nag-comment, “Ang Pinoy matakaw sa recognition they DON’T deserved. Some of them were elected thru fraudulent means, lies, and vote buying.. we know them!”
Agree naman dito sa Edu, “And to think elected officials tout themselves during campaigns as being one with the people.”
Ayon naman sa isa niyang follower, wala rin namang masama kung tatawagin ni Edu ang mga dating politiko sa kanilang dating katungkulan o titulo. Ikinumpara pa niya ang mga policians sa mga artista na nao-offend kapag hindi kinikilala.
Sagot naman sa kanya ni Edu, “Maaaring may iilan pero hindi lahat. You’ll be surprised how many artists are as normal as you and I (smile emojis).”
Naging vice mayor siya ng Makati noong 1998 hanggang 2001 at naitalagang chairman ng Optical Media Board from 2004 to 2009. Kumandidato siyang vice president noong May 2010 presidential elections at sa pagkasenador noong 2016 pero hindi siya nanalo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.