INAKALA ng ilang netizens na nag-ala-Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli ang engaged couple na sina KZ Tandingan at TJ Monterde.
Maraming nakabasa sa comment ng Concert King na si Martin Nievera sa Instagram post ni KZ kung saan nakasuot siya ng wedding gown at may hawak na bulaklak habang formal suit at white sneakers naman si TJ.
Shocked na tanong ni Martin sa magdyowa, “Did you do a Matteo and Sarah?” na ang tinutukoy ay ang paglilihim ng AshMatt sa kanilang Christian wedding.
Si Martin ang naging mentor noon ni KZ sa X Factor Philippines (2011) kung saan siya ang nag-champion. Mula noon ay naging close na sila. Nakatakda ring magninong si Martin sa kasal nina KZ at TJ.
Bumaha naman sa social media ng pagbati para sa engaged couple nang mag-post si KZ ng ilang litrato sa IG na kuha sa engagement shoot nila ni TJ sa Tokyo, Japan. Simpleng bride and groom emojis lang ang inilagay niyang caption sa photos.
Ilan sa mga celebrities na bumati kina KZ at TJ ay sina Maja Salvador, Vina Morales, Sarah Lahbati, Megan Young, Iza Calzado at Richard Poon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.