Opisyal na pahayag ng ABS-CBN sa bilang ng mga worker sa network | Bandera

Opisyal na pahayag ng ABS-CBN sa bilang ng mga worker sa network

Ervin Santiago - February 26, 2020 - 09:35 PM

NANINDIGAN ang ABS-CBN Network sa posisyon nito hinggil sa pagsunod sa lahat ng labor at civil laws sa bansa sa pakikipag-ugnayan sa iba-ibang klase ng manggagawa.

Narito ang official statement ng Kapamilya Network kung saan muli nitong inihayag na aabot sa mahigit 11,000 manggagawa ang siguradong maaapektuhan kapag ipinasara ang ABS-CBN.

“Katulad ng aming ipinaliwanag sa committee hearing sa Senado noong Lunes (Pebrero 24), nagbibigay ng trabaho ang ABS-CBN at ang mga sangay na kumpanya nito sa 11,071 na Pilipino. 

“Mariin naming inuulit na sumusunod kami sa lahat ng labor at civil laws sa bansa sa aming pakikipag-ugnayan sa iba-ibang klase ng manggagawa. 

“Kapag ipinasara ang ABS-CBN, manganganib ang 11,071 trabahong naibibigay ng buong ABS-CBN group.  

“Batay sa datos noong Disyembre 2019, may 5,918 direktang nagta-trabaho sa ABS-CBN na binubuo ng 2,661 regular na empleyado, 2,096 project-based seasonal workers, 1,069 independent contractors at on-camera talents, at 92 project employees.

“Ang kabuhayan nilang lahat ang maaapektuhan kung ipapasara ang ABS-CBN, hindi lamang ng mga regular. Ang totoo at buong epekto ng pagpapatigil sa ABS-CBN ay mararamdaman ng 11,071 na workers sa lahat ng mga negosyo nito.

“Hindi pa kasama sa bilang na ito ang mga trabahong naibibigay ng kumpanya sa mga kinukuha nitong security guards, mga cleaner, mga utility men, at iba pa mula sa third-party agencies.

 

“Sila, ang mga pamilya nila, at ang mga Pilipinong aming pinagsisilbihan, ang aming inspirasyon sa franchise renewal process.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending