Pancho Magno, Addy Raj dagdag-kilig sa DOTS ng DongJen | Bandera

Pancho Magno, Addy Raj dagdag-kilig sa DOTS ng DongJen

Ervin Santiago |February 27,2020
facebook
share this

Pancho Magno, Addy Raj dagdag-kilig sa DOTS ng DongJen

Ervin Santiago - February 27, 2020 - 12:05 AM

MAS lalo pang nagiging exciting ang mga ganap sa laging trending at pinag-uusapang Kapuso primetime series na Descendants of the Sun nina Dingdong Dantes at Jennylyn Mercado.

Bukod sa nakakakilig na mga eksena nina Big Boss at Beauty (DongJen) at ng away-bating relasyon nina Moira at Diego (Jasmine Curtis at Rocco Nacino) patok na patok din sa manonood ang mga kulitan at laglagan ng mga karakter nina Chariz Solomon, Andre Paras, Renz Fernandez, Nicole Kim Donesa, Reese Tuazon, Jenzel Angeles at marami pang iba.

Nitong mga nakaraang araw, pasok na rin sa cast sina Pancho Magno at Addy Raj na mas lalong magbibigay kulay sa takbo ng kuwento. Abangan ang mga nakakakilig na selos moments ni Big Boss kay Daniel (Pancho) na isa sa mga lalaking mapapalapit kay Dr. Maxine dahil sa nakakabilib na diskarte nito sa buhay. Si Daniel din ang tutulong sa dalawang bida sa mga oras ng kagipitan.

Maraming-marami pang pasabog ang Pinoy remake ng DOTS, lalo na ang mga iconic scenes sa Korean version nito na talagang nagmarka sa mga Pinoy viewers na adik sa Kdrama. Kaya patuloy na tutukan ang Descendants of the Sun sa GMA Telebabad after Anak ni Waray Vs Anak ni Biday.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending