BI officials na sangkot sa "pastillas" bribery scheme sinibak ni Duterte | Bandera

BI officials na sangkot sa “pastillas” bribery scheme sinibak ni Duterte

Bella Cariaso - February 20, 2020 - 03:34 PM

SINIBAK ni Pangulong Duterte ang lahat ng opisyal at empleyado na sangkot sa pinakabagong iskandalo sa Bureau of Immigration (BI) kung saan pinapayagang makapasok ang mga Chinese national kapalit ng “pastillas” bribery scheme.

Sinabi ni Presidential Spokesperson at Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na itinuturing ni Duterte na napakagrabeng katiwalian ang bagong anomalya sa BI na “pastillas” bribery scheme at hindi kailanman palalampasin ng administrasyon.

“As we have repeatedly stressed, there are no sacred cows in this Administration,” sabi ni Panelo.

Sa ilalim ng bagong anomalya, pinapayagan umano ng ilang opisyal at empleyado ng BI na makapasok sa bansa ang mga Tsinoy na nagtatrabaho sa mga Philippine offshore gaming operators (POGOs) kapalit ng lagay na nakabalot sa mga typewriting.

“Any official or employee who commits any wrong in the performance of their respective duties shall be meted out with the punishment that they deserve and in accordance with our penal laws,” ayon pa kay Panelo. 

Tiniyak ni Panelo na tatalakayin sa susunod na pulong ng Gabinete ang sitwasyon sa BI at ang liderato ni Commissioner Jaime Morente.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending