Rocco, Jasmine perfect loveteam sa ‘DOTS’, bentang-benta sa K-drama addict
Bukod kina Dingdong Dantes at Jennylyn Mercado, inaabangan din ng Kapuso viewers ang pakilig na hatid ng tambalan nina Rocco Nacino at Jasmine Curtis sa pinag-uusapan at laging trending na Descendants of the Sun.
In fairness, kahit alam na ng buong universe na may kanya-kanya nang lovelife ang dalawa, kinikilig pa rin ang viewers sa mga eksena nila sa Pinoy version ng DOTS.
Hinding-hindi raw makakalimutan ni Rocco nang mag-script reading sila ni Jasmine para sa mga karakter nina Technical Sergeant Diego Ramos a.k.a. Wolf at Captain Moira Defensor.
“Nu’ng araw na ‘yun, apat or lima yata, so the whole day, paulit-ulit ako sa eksena ko. Nu’ng nakita namin si Jasmine tapos yung ginawa niya, lahat kami na-impress. So nakikita naman, di ba? She deserves it. She’s giving justice talaga to the character,” pahayag ni Rocco.
Hindi na nag-audition si Rocco para sa serye dahil handpicked talaga siya ng production dahil nga kamukhang-kamukha niya ang Korean actor na si Jin Goo na gumanap sa role niya sa original Korean version ng DOTS noong 2016.
Ano’ng feeling niya na marami talaga ang nagsasabi na para silang long lost brothers ni Jin Goo? “2016 pa yan, e! Sabi ko, ‘Onti, onti.’ Tapos nu’ng pinagtapat ng GMA Network yung photos naming dalawa du’n ko lang talaga nakita.
“Kasi nu’ng Encantadia pa, nagte-trend yung pangalan naming dalawa, e! Sabi ko hindi ko maintindihan kung bakit ako konektado dito,” ani Rocco, sabay tawa. Iyon pala. Ngayon ang mga tao sinasabi nila, ‘O, sabi ko sa ‘yo kamukha mo! Sabi sa ‘yo makukuha mo yan, sabi sa ‘yo kasama ka.’ I mean nakakataba ng puso, nakakataba ng puso na pinili nila talaga. It’s giving people what they want,” aniya pa.
Patuloy na subaybayan ang Descendants of the Sun sa GMA Telebabad pagkatapos ng Anak Ni Waray vs. Anak Ni Biday.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.