R&B singer Temi pangarap maka-duet sina Sarah at Gary V
In fairness, promising ang young and talented Pinoy R&B singer from New York na si Temi Tecson. Nakilala namin recently ang binata sa
launching ng kanyang debut single na “Kunwari Lang” na nakaka-LLS (last song syndrome) din ang melody at lyrics.
Yes, naka-base si Temi sa Amerika at umuwi lang sa bansa para sa launching at promo ng kanyang kanta na napapakinggan na ngayon sa mga radio stations. Maganda ang boses ng binata at kung kakaririn lang niya ang kanyang pagkanta rito sa Pilipinas, siguradong may kalalagyan siya.
Pero dahil nga may mga commitments pa siya sa New York, hindi pa pwedeng mag-stay ng matagal si Temi sa Pilipinas bukod pa sa gusto muna niyang tapusin ang pag-aaral doon.
Pero paano kung sumikat nang husto ang kanyang kanta at kailangang mag-stay muna dito sa Pilipinas nang matagal papayag ba siya? “Yes po! Napag-uusapan naman po ‘yan pero sa ngayon I really have to go back sa US to continue my studies,” ani Temi.
Ang “Kunwari Lang” ay isinulat ni Agat Morallos and arranged by Dominic Benedicto, “This is about false hope, pretentious love trying to get over it.”
Nag-voice lesson din siya sa Center for Pop, with Ryan Cayabyab, at nag-worksshop sa ABS CBN Talent center. Umakting din siya noon sa ilang serye ng ABS-CBN at nakagawa rin ng ilang commercials.
Kung mabibigyan ng chance, nais ni Temi na maka-collaborate ang mga idol niyang sina Gary Valenciano, Jay-R, Darryl Ong at Bugoy Drilon. Gusto rin niyang maka-duet sina Sarah Geronimo at Morissette Amon.
Temi is being managed by Jeanette Marco na naka-base rin sa New York at naniniwala siya na sa talentong hawak ni Temi ay malayo rin ang mararating nito bilang singer. Kaya sa lahat ng gustong marinig ang pambatong boses ni Temi, pwede n’yo nang ma-download ang “Kunwari Lang” sa mga digital music platforms worldwide.
You can follow Temi sa Temi Music NY via Facebook, Instagram and You Tube.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.