Ate Guy puring-puri si Kyline: Alam ko magaling siya, Bikolano rin, e! | Bandera

Ate Guy puring-puri si Kyline: Alam ko magaling siya, Bikolano rin, e!

Ervin Santiago |February 18,2020
facebook
share this

Ate Guy puring-puri si Kyline: Alam ko magaling siya, Bikolano rin, e!

Ervin Santiago - February 18, 2020 - 12:25 AM

NORA AUNOR AT KYLINE ALCANTARA

NANINIWALA ang nag-iisang Superstar na si Nora Aunor na malayung-malayo pa ang mararating ng Kapuso young actress na si Kyline Alcantara.

Magkasama ngayon ang dalawa sa upcoming afternoon series ng GMA 7 na Bilangin Ang Bituin Sa Langit na magsisimula na sa darating na Lunes, sa direksyon ng napakagaling ding aktres na si Laurice Guillen.

Ito ang unang pagkakataon na makakasama ni Ate Guy ang isa sa mga pambatong young dramatic actress ng Kapuso network.

Gaganap si Kyline na apo ni Nora sa serye at sa nakaraan ngang presscon ng BABSL, natanong ang veteran award-winning actress kung ano ang impression niya sa dalaga, “Actually, hindi pa kami nagkakaeksena ni Kyline, pero alam ko na magaling siya. Bikolana, e.”

Magkahalong kaba at excitement naman ang nararamdaman ni Kyline ngayong makakatrabaho na niya ang Superstar. Aniya, “surreal” pa rin para sa kanya ang makasama sa isang TV series si Ate Guy.

“It’s surreal for me, kasi wala pong artista na hindi nangarap makasama si Miss Nora Aunor,” ani Kyline.

Dugtong pa niya, “Kinakabahan po ako. Kinakabahan po ako sa buong teleserye. Siyempre po, lahat tayo, gustong maging successful itong Bilangin Ang Bituin Sa Langit.

“Kinakabahan po ako sa reaksiyon ng ating mga Kapuso all over the world, kung paano nila ma-appreciate itong Bilangin. Ang wish ko lang po dito, hindi ako masigawan ni Direk Laurice,” sabi ni Kyline.

Bukod siyempre kay Ate Guy at sa iba pang veteran stars na kasama sa serye, pinuri rin ni Direk Laurice ang mga youngstars ng GMA, “Magaling yung mga artista and, overall, magaling silang lahat. Kaya nga ako’y natutuwa kasi yung mga younger actor na cast dito ay magagaling.

“Siguro ang difficulty lang nila, dahil magaling sila, lalo ko silang hinihingan na itong gagawin nila dito ay hindi tulad ng nagawa nila,” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending