outbrain

P36M jackpot nasungkit sa Davao del Norte

By Leifbilly Begas February 14,2020
share this

P36M jackpot nasungkit sa Davao del Norte

By Leifbilly Begas February 14,2020
share this

ISANG mananaya sa Davao del Norte ang nanalo ng P36.6 milyong jackpot prize ng Lotto 6/42 sa bola Huwebes ng gabi.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office ang nanalo ay tumaya sa Tagum City. Siya ang nag-iisang nakakuha ng winning number combination na 15-27-36-08-41-11.

Nanalo naman ng tig-P25,000 ang 25 mananaya na nakalimang numero.

Tig-P540 naman ang 1,265 mananaya na nakaapat na numero at balik ang P24 taya ng 21,399 mananaya na nakatatlong numero.

Ang 6/42 ay binobola tuwing Martes, Huwebes at Sabado.

Ang premyo na mahigit P10,000 ay pinapatawan ng 20 porsyentong buwis.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending