Angeline: Bakit atat na atat kayong ipasara ang ABS!? | Bandera

Angeline: Bakit atat na atat kayong ipasara ang ABS!?

Alex Brosas - February 13, 2020 - 12:05 AM

ANGELINE QUINTO

MADAMDAMIN ang recent post ni Coco Martin tungkol sa franchise renewal ng ABS-CBN na nakabinbin pa sa Congress.

“Napakalaki ng utang na loob ko sa ABS-CBN, natupad ko lahat ng pangarap ko para sa sarili ko at sa aking buong pamilya. Dahil sa sa ABS-CBN, napakaraming tao at pamilya na nabigyan ng oportunidad magkaroon ng maayos na buhay.

“Sa pamamagitan ng FPJ’s Ang Probinsyano, napakaraming taong natulungan, mula sa aming mga artista, staff at crew. Nabigyan ulit ng trabaho lalo na ang mga artista na nawalan ng pag-asa na muling makita ulit sa telebisyon, nagkaroon ulit sila ng pagkakataon para kumita at ituloy muli ang kanilang mga pangarap!

“11,000 na empleyado po ang mawawalan ng trabaho kabilang na po ako. Paano na po ang aking pamilya at ang mga pamilya ng lahat ng nagtratrabaho sa kumpanyang ito? Dito po kami umaasa ng aming ikabubuhay.

“Sa pagtatrabaho ko sa ABS-CBN ay nalibot ko na halos ang buong Pilipinas at buong mundo upang pasiyahin at pasalamatan ang lahat ng mga Pilipino na tumatangkilik sa aming mga pinalalabas. Gumagawa din po ang ABS-CBN ng mga charity events upang makatulong sa ating mga kababayan.

“Sa tuwing may sakuna, ang ABS-CBN ginagawa ang abot ng kanilang makakaya upang makatulong sa lahat ng nangangailangan. At ako mismo ang nakasaksi kung gaano kabuti ang hangarin ng ABS-CBN upang makatulong sa lahat ng mga Pilipino.

“Hindi ko po alam kung ano ang mararamdaman ko kung mawawala ang ABS-CBN na naging malaking bahagi ng aking buhay.

“Sana po tulungan ninyo kami na ipanalangin na mapukaw ang puso at maliwanagan ang isip ng mga tao na nagnanais ipasara ang istasyon na tumutulong ng malaki sa maraming buhay!”

Natuwa ang marami sa kanyang followers.

“God bless u always idol. More blessings to ABS CBN. I appreciated so much this channel, ‘wag mo sana pabayaan Lord na siraan at ipasara. Masayang masaya po kami sa mga palabas ditto, nakakagamot po ng pagod namin as OFW, pls. Lord bless this channel.”

“Para sakin idol Coco tayo lagi manalig kay GOD at ipagdasal natin na mabago at mapukaw ang mga puso ng nagnanais na magpasara ng ABS-CBN dahil marami talaga ang mawawalan ng trabaho. Paano na mga pangarap nila. Sana maayos ang lahat sa mabuting pagpupulong ng mga namumuno

“Bata pa ako ABS-CBN na ang pinapanood ko. Kahit wala kaming TV ay nakikipanood lang ako. Tiwala lang tayo kay God. Kung talagang may mabuting puso sila ay mababago ang kanilang desisyon na ‘wag na ipasara ang Kapamilya network.

Matapang naman ang pahayag ni Angeline Quinto kaugnay pa rin ng nakabinbing franchise renewal ng Dos.
“Bakit po atat na atat kayo na mapasara ang estasyon na ito? Pero ang mga problema ng Pilipinas deadma kayo?” say ni Angeline.

“Ipaglalaban po namin ang estasyon na nagbigay ng magandang buhay sa pamilya namin. Kaya nga Kapamilya di po ba!” palabang dagdag pa ng dalaga.

Sa kanyang Facebook account, ipinakita ni Angeline ang pagmamahal sa Dos.

“Sa ABS-CBN ako huling sumubok para sa isang Patimpalak na STAR POWER. Ito ang huling pagkakataon na ibinigay ko sa sarili ko para muling lumaban. Muling umawit at muling mangarap.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Sa ilang taon na ako po ay huminto dahil palaging talunan. Ngunit ABS-CBN lang ang nagbukas ng pinto para sa lahat ng Pangarap ko. Sa ilang taong paghihintay at pag subok, Tanging ABS-CBN ang nagbigay ng magandang buhay sa akin, sa aking Pamilya, Sa amin ng aking mga katrabaho sa industriya. ABS-CBN ang naging kakampi ko nung nag agaw buhay ang Mama Bob Ko. Dito sa tahanang ito, ako nakatagpo ng totoong Pamilya. Buo at totoong Pamilya. Nabigyan ako ng pagkakataon na makatulong sa iba dahil sa ‘yo ABS-CBN. Hindi ko kakayanin na makitang magsara ang tahanang ito.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending