Pang-inis ni Vice sa bashers: 'landian' photo nila Ion sa Amanpulo | Bandera

Pang-inis ni Vice sa bashers: ‘landian’ photo nila Ion sa Amanpulo

Bandera |February 12,2020
facebook
share this

Pang-inis ni Vice sa bashers: ‘landian’ photo nila Ion sa Amanpulo

Bandera - February 12, 2020 - 12:30 AM

ION PEREZ AT VICE GANDA

KUNG may mga maligaya para kina Vice Ganda at Ion Perez, marami rin ang patuloy na nangnenega sa magdyowa, lalo na ang mga moralista.

Ilang bashers ang nagkomento sa mga sweet photos ng Kapamilya couple sa Instagram na halatang naglolokohan lang daw ang dalawa dahil obvious na pera lang umano ang habol ni Ion kay Vice.

May mga nagsasabi naman na kung wala raw kayamanan ang TV host-comedian ay siguradong hindi ito papatulan ni Ion. At naniniwala sila na sa hiwalayan din mauuwi ang relasyon ng mga ito.

Sa huling litratong ipinost ni Vice sa IG na kuha sa isang sosyal na beach resort sa Amanpulo kung saan sila nagpapakaligaya ngayon bilang selebrasyon na rin ng Valentine month, tila may gustong patamaan ang komedyante sa kanyang hugot.

Makikita sa mga photos ang magdyowa na nagkukulitan habang nasa Beach Casitas sa Amanpulo. Nilagyan ito ni Vice ng caption na, “Let this love bother those who hate.”

Kung may mga bumatikos sa magkasintahan, pinusuan naman ito ng kanilang fans pati na ng mga kaibigan nila sa showbiz tulad nina Iza Calzado, Karla Estrada, Bianca Gonzalez, Ruffa Gutierrez at Rayver Cruz. Pinayuhan din nila si Vice na huwag nang magpaapekto sa mga nega at trolls sa social media.

Nag-leave sina Vice at Ion sa It’s Showtime para ilang araw magbakasyon sa Amanpulo na matatagpuan sa Pamalican Island, Palawan. Nauna nang ibinandera ni Vice sa socmed ang bonding moments nila roon ng kanyang boyfriend. Mahigit isang taon na rin silang magkarelasyon.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending