outbrain

Aktres inireklamo ng katrabaho: Super yabang na, feeling magaling pa

By Reggee Bonoan February 12,2020
share this

Aktres inireklamo ng katrabaho: Super yabang na, feeling magaling pa

By Reggee Bonoan February 12,2020
share this

Trulili kaya na may dalawang taong nagpa-follow-up sa programa ng aktres na nangakong bibigyan niya ng tulong pero hindi naman pala tinupad?

Nabanggit ito ng mga kasamahan ng aktres sa programa bukod pa sa isa pang programang kinabibilangan din niya na iba lang ang format.

Nakakaloka na halos lahat ng kasamahan ng aktres ay irita sa kanya dahil sobrang yabang at feeling magaling. Ang kuwento sa amin, “Si ____ (pangalan ng aktres), ang hilig-hilig mangako hindi naman tinutupad, kami ang kinukulit nu’ng mga taong pinangakuan niya.”

May kasama rin kasi sa show na mahilig tumulong sa mga nangangailangan, e, para makapagyabang din, nangako rin itong si aktres na magbibigay ng ganito at ganyan, tapos pero nganga.

“Siyempre ‘yung mga pobreng pinangakuan nag-aabang, so mega follow up sila, hayun dedma-dedma ang lola mo, busy siya o kaya lagi niyang sagot, ‘ipaalala mo after the show.’ E, kami busy din dahil ang dami naming gagawin pa after the show, tapos pag naalala, wala na siya.

“Nakakahiya namang tawag o kulitin kasi nga sa show lagi naming sinasabi, parang walang naririnig,” sabi pa sa amin.

Anyway, akala namin ay ito lang ang isyu sa aktres, marami pa pala at laging may kinalaman sa mga pangako.

“Hindi siya kagalingan ‘no? Keri nga lang na wala siya sa show kasi nadadala naman nu’ng ibang kasama niya,” sabi ng katrabaho ng aktres.

Sabi ng dating BFF ng aktres, “Malaki na ang ipinagbago niya, ibang-iba na simula nu’ng sumikat at nagkapera.”

Naku naman, sana hindi ganu’n ang ugali ng aktres at matuto siyang lumingon sa mga taong tumulong sa kanya noong walang-wala siya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending