Nadine mas naging hot, yummy matapos makipag-break kay James
VERY visible si Nadine Lustre sa mata ng publiko at sa social media last week. Ang dami niya kasing events kung saan bumabandera ang kanyang Pinay beauty.
Parang ‘di dumaan sa matinding break-up kay James Reid kung pagbabasehan ang ganda ni Nadine ngayon.
Sa grand finals ng talent search na “Your Moment” kung saan isa si Nadine sa mga hurado kasama ang King of Talk na si Boy Abunda at si Billy Crawford, lutang na lutang ang ganda ng aktres.
At sa naturang event, nagsabi ang ex-girlfriend ni James na magko-concentrate muna siya sa kanyang music career.
Mukhang naka-get over na si Nadine sa hiwalayan nila ni James. Unlike ‘yung ibang dumaan sa break-up na nagiging losyang. Malay natin, baka napansin din yun ni James at may balikang mangyari. We can never tell, ‘di ba?
So far, wala pa namang nababalitang bagong karelasyon si James pero nali-link siya sa kapareha niya sa bagong soap opera ng Dos, ang Momoland member na si Nancy McDonie. Pero kilala raw ng mga kaibigan niya si James kaya ‘di sila naniniwala na may something na between him and the Korean star.
Wish namin ma-meet at makilala ni James ang newly-crowned Miss Mandaluyong na si Veronica Michaela Meneses. Showbiz crush kasi niya ang ex-boyfriend ni Nadine.
Kinoronahan si Veronica bilang Miss Mandaluyong 2020 last Saturday na ginanap sa Mandaluyong City Hall. Graduate ng Clothing Technology sa UP Diliman si Miss Mandaluyong 2020 at anak ng dating PBA cager na si Vergel Meneses.
After her reign as Miss Mandaluyong 2020, plano niyang sumali sa Binibining Pilipinas at Miss Philippines. But for the meantime, gagawin muna niya ang responsibilidad niya sa lungsod na pinamumunuan ni Mayor Menchie Abalos.
Sabi ni Rona, hindi pa niya nami-meet ang crush niyang si James Reid pero kung may chance ay gusto siyempre niyang makilala ito personally.
Samantala, tinanghal naman bilang Miss Mandaluyong 2020 1st Runner-Up si Malka Shaver, 2nd Runner-Up Angelie Aubrey Asuncion, 3rd Runner-Up Patricia Kamille Gutierrez at 4th Runner-UP Franchesca Cristal.
* * *
Speaking of Nadine Lustre, kabilang siya sa 10 most traveled Filipino celebrity ng Philippine Travel Agencies Association (PTAA). Bukod kay Nadine, pasok din sina Heart Evangelista, Tim Yap, Lovi Poe, Catriona Gray, Pia Wurtzbach, Vicki Belo, Bea Alonzo, Liza Soberano and Maine Mendoza.
Bumuo ang PTAA ng three-person committee na siyang pumili ng 10 Pinoy celebrities na palaging nangingibang-bansa based on their social media posts.
Nakausap namin ang PTAA president na si Ritchie Tuano sa ginanap na presscon para sa three-day TravelTour Expo 2020 na ginanap sa SMX Convention Center nitong weekend.
Medyo maisyu ang usaping travel at crowded place sa ating bansa ngayon. Pero very much aware naman ang PTAA kaya naglagay na sila ng mga precautionary measures sa bawat sulok ng venue.
Sa kabila ng travel ban sa Hongkong, Macau at China, naglagay pa rin ang PTAA ng travel inquiries sa mga nabanggit na lugar during the Travel Expo
“There would still be but not for the immediate travel. As of now, there is a ban for Filipinos to travel into Hongkong, uh, into China. But uh, theere are deals that are available for the entire, until December. So, hopefully, hindi naman magra-run ‘yung ban for the entire year,” ani Mr. Tuano.
Aniya pa, “In fact, for TravelTour Expo 2020, one of the exhibitors was suppossedly the Chinese National Tourism Affairs but of course, because of their own government ban to travel, they weren’t able to come and participate for this year. It’s sad for to note but it’s for the safety of everyone.”
Umaasa ang PTAA na matatapos din agad ang travel ban sa mga nabanggit na lugar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.