Heart pinapili ng netizens: Showbiz career o baby?
ANO nga ba ang pipiliin ng Kapuso TV host-actress na si Heart Evangelista – showbiz career o ang mabuntis?
Kamakailan, naglaan ng oras ang misis ni Sorsogon Gov. Chiz Escudero para makachikahan ang kanyang fans online.
Sa pamamagitan ng Instagram, hinikayat niya ang kanyang milyun-milyong followers na mag-post ng questions at ita-try niyang sagutin ang mga ito bago siya matulog. Ilang netizens ang nagtanong kung ano ang ipa-priotize niya, ang um-attend sa mga showbiz and fashion events o ang mabuntis at magkaroon na ng baby.
Diretso naman itong sinagot ni Heart. Aniya, mas magiging extra happy siya kapag biniyayaan na sila ng anak ni Chiz pero hindi niya ipipilit kung hindi pa talaga siya mabubuntis.
“I have twins that I’ve been caring for since they were 5 years old. A husband, 3 cats, 4 dogs, staff and a career. A baby will make me dream bigger and work harder. It will only get better,” pahayag ng Kapuso star.
Halos limang taon nang kasal sina Heart at Chiz pero hanggang ngayon nga ay hindi pa rin sila sinuswerte na magka-baby. Noong 2018 ibinandera ng mag-asawa na magkakaroon na sila ng twins pero nalaglag ang mga ito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.