STD itinatago sa pamilya | Bandera

STD itinatago sa pamilya

Beth Viaje - February 05, 2020 - 12:15 AM

Dear Ateng,
Matagal ko nang nais isasangguni ito sa iny kaya lang ay medyo nahihiya ako. Pero habang tumatagal at di ko nasasabi ang problema ko sa pamilya ko ay lalong dumidelikado ang buhay ko. Mukha po kasing may sakit ako, at hindi po basta sakit lang. Mukhang may STD ako, kaya lang ayaw kong magpatingin. Dahil natatakot ako na baka kumalat yung balita sa lugar namin. Nahihiya po ako para sa pamilya ko. Ano po kaya ang gagawin ko. Ilihim ko na lang ba?

Alexie, Pampanga

Sige, ilihim mo na lang, pero kapag inatake sa puso ang mga pamilya mo sa biglaan mong pagkakasakit, keri mo?
Wala namang ibang solusyon diyan kundi ang magpatingin ka sa doktor. Paano kung hindi naman STD? O paano kung pwede namang madaan sa gamot o pahinga?
Minsan ang bilis na ng takbo ng utak natin dahil sa takot at guni-guni. Tapos trangkaso lang pala.
Walang ibang pwedeng gawin kundi magpa-doctor para matiyak. Meron namang medical privacy na pinapraktis ang doctor at ospital. So maige na ring alam mo kung paano ka magagamot at mag-iingat.
Anu’t anuman ang mangyari sa iyo, pamilya mo rin naman ang uuwian mo at mag-aalaga sa iyo e.
Maige na ring maihanda sila at malaman nila kung ano ang pwede nilang gawin para matulungan ka.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending