Patay na lalaki nakahandusay sa walang katao-taong kalsada sa Wuhan, China
MAKIKITA ang isang patay na lalaking puti na ang buhok na nakasuot pa ng face mask, na nakahandusay sa semento sa tinaguriang ground zero ng coronavirus sa Wuhan, China
May dala-dala pang plastic bag sa kanyang kamay ang patay na lalaki.
Hindi naman nagtangkang lapitan ng mangilan-ngilang dumadaan ang patay na lalaki.
Sa ulat ng AFP, nakita ang katawan Huwebes ng umaga, bago pa dumating ang isang emergency vehicle sakay ang mga pulis at medical staff na may suot na full-body protective suits.
Isang babae na nakatayo malapit sa lalaki, at nakasuot ng pink na pajama at isang Mao cap, ang nagsabi na naniniwala siyang namatay ang lalaki sa virus,
“It’s terrible,” sabi ng babae.“These days many people have died.”
Ang Wuhan ang epicenter ng bagong novel coronavirus, kung saan 213 na ang nasasawi, 159 dito ay mula sa Wuhan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.