GRABE sa panggugulang ang isang kilalang pulitiko lalo’t kung ang kalaban niya sa kaso ay mga kapwa rin niya pulitiko.
Kamakailan ay inabswelto ng anti-graft court ang isang dating municipal councilor na napag-initan dahil sa pulitika.
Agawan sa lupa sa isang bayan sa Central Luzon ang pinagmulan ng sigalot.
Dahil sa impluwensya at relihiyon ay nagawa ni Mr. Politician na mapunta sa kanyang tapat na churchmate ang kaso and the rest is history, ika nga.
Pero sa hinaba-haba ng pagdinig sa asunto ay naabswelto rin ang kaso at napatunayang walang sala ang idinemandang dating konsehal ng bayan.
Pero bago iyan ay ilang mga kaso rin pala ang isinampa ni Mr. Politician sa ilang mga nakabangga sa pulitika at naging madali ang pag-uusap sa kaso dahil sa kanyang churchmate na kilala sa judiciary.
Matindi ang kanilang sabwatan kaya mistulang hari sa kanilang lugar si Mr. Politician na kilala rin bilang tapat na “lingkod ng Diyos”.
Nagawa rin niyang maipanalo sa iba’t ibang mga elected positions ang kanyang mga anak dahil sa lawak ng kanilang impluwensya na ipinagmamalaki pa nilang umaabot na raw hanggang sa Malacanang.
Sayang ang pagkakakilala ko sa taong ito na inirerespeto dati dahil sa kanyang malalim na lohika sa buhay na mabilis na nasira dahil sa pagsawsaw sa pulitika.
Di na kailangan ang clue dahil ilan lamang ang tulad nilang pulitiko na nagsasabing malapit sila kay Lord.
Siya nga pala si Mr. E…as in Ewan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.