Simbahan ni Pastor Apollo Quiboloy sa LA ni-raid; 2 lider arestado dahil sa human trafficking
SINALAKAY ng mga miyembro ng Federal Bureau of Investigation (FBI) ang simbahan ni Kingdom of Jesus Christ leader, Pastor Apollo Quiboloy, sa Los Angeles, Miyerkules ng umaga (Enero 29, oras sa Estados Unidos).
Naaresto ang dalawang church leaders dahil sa human trafficking.
Ayon sa mga otoridad sa Amerika, modus umano ng mga ito na kumbinsihin ang kanilang mga kapanalig na kumalap ng pondo at mag-asikaso ng bogus na kasal para manatili sila sa US.
Idinagdag ng U.S Attorney’s Office na kasama din sa nadakip ang isa sa mga manggagawa ng simbahan kung saan nakumpiska sa kanilang pag-iingat ang mga pasaporte ng mga biktima.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.