Arci kumain ng bulate; artistang may putok ayaw ilaglag
Isa pang walang arte itong si Arci Muñoz. Wala siyang inurungan sa “Sagot o Lagot Challenge” sa Gandang Gabi, Vice.
Sa unang tanong kung bakit sila nag-break ni Kian Cipriano, natawa si Arci.
“Ang tagal na noon, saka tropa-tropa na kami. Wala akong number ni Kian. Bakit kami nag-break? Nang-chicks (siya),” sagot ni Arci.
Sa tanong na i-rank sa pinakamaganda at pinakachaka sa Mama niya, kay Ma’m Charo Santos at kay Aling Dionesia, hindi kaagad nakasagot si Arci. ‘Yun pala playtime lang ‘yun ni Vice Ganda sa kanya.
Pina-rank ni Vice kung sino kina Jake Cuenca, Gerald Anderson, JM de Guzman, Piolo Pascual, JC Santos at Jericho Rosales from best to worst kisser
“Isipin ko kung kaya ko silang itakwil. Oh, my goodness. Lagot na lang,” say ni Arci kaya napilitan siyang isubo ang lollipop na nakaipit sa paa ni Petite.
Sa isang challenge naman ay kumain ng fried superworm si Arci dahil hindi niya ma-take na ilaglag ang celebrity na nakasama niya na may body odor or bad breath.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.