James, Nadine kailangan nang pumili: Dyowa o career | Bandera

James, Nadine kailangan nang pumili: Dyowa o career

Reggee Bonoan |January 22,2020
facebook
share this

James, Nadine kailangan nang pumili: Dyowa o career

Reggee Bonoan - January 22, 2020 - 12:15 AM

NADINE LUSTRE AT JAMES REID

Trulili kaya na gimik lang ang paghihiwalay nina James Reid at Nadine Lustre? May nagsabi kasi sa amin na Nobyembre pa nag-break ang dalawa pero pinag-usapan nila ito para sa karera nila.

Ang bagong management company ni James ang gustong mabago ang image niya base sa kuwento ng aming source, “Kapag may jowa, limited na, so dapat walang jowa. Saka si girl nalilimitahan din, so ano ba uunahin, jowa o career?

Nabanggit pa na matinding magselos ang dalawa kaya may projects silang hindi natutuloy noon at matagal na panahong pinagdiskusyunan ng JaDine hanggang sa dumarating sila sa puntong nag-aaway na. May mga ginagawa si James na hindi gusto ni Nadine pero wala siyang magawa dahil gusto ito ng aktor.

Banggit pa ng source, “Maraming obligasyon si James hindi puwedeng magkabuntot silang dalawa parati. Same thing with Nadine, hindi naman puwedeng lagi siyang bantay ni James, may buhay din siya.”

Anuman ang nangyayari sa JaDine naniniwala kaming lalantad din ang katotohanan. At naniniwala rin kami na kahit hiwalay na sila, patuloy pa rin silang susuportahan ng kanilang loyal fans.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending