KathNiel: Excited na kaming magkatrabaho uli...para 'to sa fans! | Bandera

KathNiel: Excited na kaming magkatrabaho uli…para ‘to sa fans!

Alex Brosas |January 17,2020
facebook
share this

KathNiel: Excited na kaming magkatrabaho uli…para ‘to sa fans!

Alex Brosas - January 17, 2020 - 12:35 AM

KATHRYN BERNARDO AT DANIEL PADILLA

Mananatiling Kapamilya ang onscreen love team at real life sweethearts na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla matapos mag-renew at pumirma ng tatlong taong kontrata sa ABS-CBN kahapon, Enero 15.

Matapos magkahiwalay sa mga proyekto nang mahigit isang taon, ibinahagi ng phenomenal box office couple ang kanilang sentimyento ukol sa kung anong dapat abangan ng kanilang fans ngayong magbabalik telebisyon na sila at bibida sa kanilang paparating na teleseryeng “Tanging Mahal.”

“Makakaasa sila ng bago, siyempre ang tagal din naming hinihintay na mangyari ito ulit. Tingin ko excited ang fans na makita ulit kaming magkasama dahil kami rin personally, excited na kaming magtrabaho ulit nang magkasama,” ani Daniel.

Bukod sa kanyang proyekto kasama si Kathryn, nabanggit din ni Daniel ang kaniyang excitement sa kanyang pelikulang “Whether the Weather is Fine” kasama ang ABS-CBN executive at beteranang aktres na si Charo Santos-Concio.

Ibinahagi naman ni Kathryn ang kanyang kasiyahan dahil sa nakukuha niyang suporta mula sa kanyang YouTube channel, “Everyday Kath.” Sa loob lamang ng dalawang linggo matapos mailabas ang kanyang unang vlog, umabot na sa halos isang milyon ang kanyang subscribers.

“Masaya. Higit pa sa subscribers, mas gusto ko yung natatanggap naming mga kumento kasi hindi ko alam na gano’n pala ‘yung epekto sa kanila na masilip ‘yung personal na buhay namin,” ani Kathryn.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending