outbrain

Bamboo, Rico, Ely nagsuplado: Feeling sikat pa rin!

By Alex Brosas January 14,2020
share this

Bamboo, Rico, Ely nagsuplado: Feeling sikat pa rin!

By Alex Brosas January 14,2020
share this

NAGSUPLADO ang mga kagaya nina Rico Blanco, Bamboo at Ely Buendia.

Outright nilang tinanggihan na maging bahagi ng ’90s Frontmen Acousticized concert scheduled on Jan. 31 and Feb. 1.

The concert will feature Wency Cornejo of After Image, Jett Pangan of The Dawn, Dong Abay of Yano and Basti Artadi of Wolfgang.

Walang ibinigay na rason sina Rico, Bamboo at Ely for not accepting the offer. Talagang pinanindigan nila ang pagiging Snooty Serna (snooty, my dears). Rejection your honor talaga ang drama nila.

Nagpabalik-balik na sa pagiging has-beens ang tatlo. That, they can’t deny. Mabuti nga at may isang reality show pa si Bamboo. Si Ely naman ay may concert sa isang hotel next month. With Rico, we don’t know kung anong activity meron siya.

Actually, may i-don’t-care-what-you-say attitude ang tatlo. May mga sarili silang mundo. Mga feeling. Si Bamboo, rock star na rock star ang dating. Mahirap siyang lapitan for a photo-op or for a selfie. Kung pagbigyan ka naman, feel na feel mong hindi ka welcome.
Ganyan ang naranasan namin sa kanya. Parang he’s just doing it kasi press ka.

Si Ely, isa pang aloof. May sarili ring mundo. Hindi rin siya approachable. May pa-intellectual effect naman itong si Rico. Parang pa-deep ang kanyang drama.

Hellllloooooo! Laos na kayo, ‘no!!!

 

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending