Yam sa pagpapakasal sa non-showbiz bf: Pwede... pero wag nating i-jinx! | Bandera

Yam sa pagpapakasal sa non-showbiz bf: Pwede… pero wag nating i-jinx!

Bandera - January 14, 2020 - 12:10 AM

YAM CONCEPCION AT MIGUEL CU-UNJIENG

“SANA huwag nating i-jinx!” Yan ang pakiusap ni Yam Concepcion sa entertaiment media nang matanong kung may plano na silang magpakasal ng kanyang non-showbiz boyfriend.

Sa ginanap na mediacon para sa unang pelikula niya this year, ang horror-suspense na “Night Shift” kinumusta ng mga reporter ang limang taong relasyon nila ng environmentalist na si Miguel Cu-Unjieng.

In fairness, kahit LDR (long distance relationship) ang drama ng magdyowa, going strong pa rin ang kanilang pagsasama. At very proud ang aktres dahil kahit magkalayo ay napapanatili pa rin nilang maayos at mainit ang relasyon.

So, kailan na nga ba ang wedding? May balak na ba silang bumuo ng sariling pamilya? “Puwede, depende. Sana huwag nating i-jinx. But for now, gusto ko munang mag-focus sa trabaho, sayang ang opportunities.”

Naniniwala rin si Yam na kahit LDR ang peg ng kanilang relasyon nila ni Miguel ay makakaya nilang panindigan ang pagmamahal sa isa’t isa, “Very secure na tao siya, very supportive. Mabait na tao, at naiintindihan niya ang trabaho ko.”

Samantala, feeling blessed din si Yam dahil sa pagpasok pa lang ng 2020 ay may pelikula na agad siyang ipalalabas, ito ngang “Night Shift” mula sa Viva Films at Aliud Entertainment, sa direksyon ng award-winning filmmaker na si Yam Laranas.

Bukod dito, kasali rin si Yam sa bagong serye ng ABS-CBN, ang Love Thy Woman na pagbibidahan ng real-life couple na sina Kim Chiu at Xian Lim.

“Siyempre, masaya kasi may project ako. Magandang opportunity ito for me to able to work with mga beteranong aktres, aktor. Kumbaga, it’s an honor na makatrabaho ko sila,” ani Yam.

 

* * *

 

Ang “Night Shift” ang unang horror movie ng Viva Films sa 2020. Iikot ang kwento nito sa isang morge kung saan nagtatrabaho ang karakter ni Yam na si Jessie, assistant ng isang pathologist.

Hindi naniniwala si Jessie sa mga kababalaghan, ngunit isang gabi, bigla na lang siyang nakarinig ng mga tunog na tila galing sa mga bangkay. Higit pa doon, nakikita niya ang paggalaw ng mga ito.
Habang tumitindi ang kanyang takot, nagsimulang mag-isip si Jessie tungkol sa ideya ng Huling Paghuhukom. At kung totoo ngang ang mga patay ay muling babangon, ang kanya namang pagkamatay ang sobra niyang kinatatakutan.

Sa kanyang Instagram post, inihayag ni Yam ang kanyang paghanga sa mga taong nasa likod ng “Night Shift”. Aniya, “I am impressed how efficient every single one is in the team.”

Tinawag din niyang “good leader” si Yam Laranas na unang beses niyang nakatrabaho. Aniya, mapalad siya na maging bahagi ng pelikula.

Ito rin ang unang horror movie ni Yam na naging very convincing sa pagiging kontrabida sa seryeng “Halik” ng ABS-CBN. At ngayon nga ay ipakikita naman ng aktres ang galing sa pag-arte sa horror, lalo na’t may malaking twist sa pelikula na dapat abangan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Palabas na ang “Night Shift” sa mga sinehan simula Enero 22, 2020.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending