Joshua sa muli nilang pagkikita ni Julia: Na-miss ko siya... | Bandera

Joshua sa muli nilang pagkikita ni Julia: Na-miss ko siya…

|January 13,2020
facebook
share this

Joshua sa muli nilang pagkikita ni Julia: Na-miss ko siya…

- January 13, 2020 - 12:05 AM

“NA-MISS ko siya!” Ito ang inamin ni Joshua Garcia nang matanong kung kumusta na sila ng kanyang ex-girlfriend na si Julia Barretto.

Muling nagkasama ang dalawa sa presscon ng zombie movie na “Block Z”, ang unang offering ng Star Cinema ngayong 2020 sa direksyon ni Mikhail Red na siya ring nagdirek ng “Birdshot” at “Eerie”.

Halatang nagkakahiyaan ang ex couple nang humarap sa entertainment media at kapansin-pansin na hindi rin sila pinagtabi sa upuan during the presscon.

Unang tinanong sina Joshua at Julia kung paano ang naging working relationship nila habang ginagawa ang “Block Z” na umabot din ng limang buwan ang shooting.

Kung matatandaan, nagkahiwalay ang dating magdyowa habang ginagawa nila ang pelikula.

“Okay naman kami. Okay kami and… okay kami…” ani Joshua na halatang ingat na ingat sa mga bibitiwang salita.

“Actually, nu’ng nakita ko siya, ito personally, parang na-miss ko din siya. Kasi siyempre, ang tagal naming hindi nagkasama… na-busy siya, na-busy ako,” dagdag ng binata.

Hindi naman agad nakasagot si Julia at nag-isip muna sandali bago magsalita, “I’m okay, thank you for asking. And one of the things na I’m super grateful for is that we’re able to protect and make sure that the friendship will still remain.

“And tama siya, when I first saw him also, it felt familiar. Parang it’s a familiar place, it’s a comfortable safe place,” lahad pa ng dalaga na nagsabi ring napanatili nila ni Joshua ang kanilang friendship kahit na nag-break sila.

Samantala, proud na proud ang JoshLia sa bago nilang pelikula, ito ngang pinag-uusapang zombie movie na “Block Z”. Talagang kinarir nila ang bawat eksena sa movie, lalo na ang mga makapigil-hiningang action scenes.

“Umpisa pa lang excited na talaga ako nu’ng hindi pa pini-pitch, nung sinabi pa lang na gagawa tayo ng zombie movie. Sobrang excited na kami.

“Tapos nu’ng pinitch na, talagang yun na yun. Sabi nga namin, ‘Sana huwag mapunta sa iba. Sana kami ang gumawa,’” pahayag ni Joshua.

Dagdag naman ni Julia, “We were very excited. Sa ilang years namin nag-work together, we did a lot of rom-coms, we did a lot of rom-drama. So this as a different experience for us. Parang naging challenging siya sa amin.

“Of course there’s a love angle so the challenge there was paano namin aatakihin ang ibang atake, ibang angle, ibang klaseng lalim. It’s edgier, it’s more sacrificial. The love in the movie is more sacrificial,” aniya pa.

In fairness, sa trailer pa lang ay talagang mapapa-wow ka na sa mga habulan at patayang eksena sa “Block Z”. Sabi nga ng mga netizens, parang Hollywood movie na raw ang peg nito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ayon kay Direk Mikhail, dream come true para sa kanya ang “Block Z”. Aniya, itinodo nila rito ang madudugo at bayolenteng eksena na kailangan sa isang zombie movie kaya siguradong mag-eenjoy ang mga adik sa mga mahihilig sa horror-suspense-action.

Kasama rin sa “Block Z” sina McCoy de Leon, Maris Racal, Yves Flores, Ian Veneracion at Dimples Romana. Showing na ito nationwide sa Jan. 29.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending