outbrain

Nominasyon ni Madam sa CA apektado dahil sa controversial hubby

By Den Macaranas January 10,2020
share this

Nominasyon ni Madam sa CA apektado dahil sa controversial hubby

By Den Macaranas January 10,2020
share this

NAIMBYERNA ang isang kandidata sa pagka-associate justice ng Court of Appeals.
Bakit nga naman hindi, imbes na sa kanyang kakayahan bilang isang abogado ang maging sentro ng interview ay ang kanyang abogadong mister ang naging laman ng isa sa mga interview sa kanya ng Judicial and Bar Council (JBC).
Sikat kasi ang esposo ni Madam na laging nauugnay sa kontrobersiya.
Hindi lamang kasi sa apat na sulok lang ng august chamber ang kamandag ni Sir.
Kilala rin ito na matinik sa chicks at ilang beses na ring naiugnay ang kanyang pangalan sa ilan sa kanyang mga celebrity-clients.
Bagaman “vertically-challenged” si Sir ay iba naman daw ang kanyang dating sa mga anak ni Eba.
Si Madam naman na isa ring mahusay na abogado ay nananatiling low profile na siyang kabaliktaran ng kanyang mister.
Kaya naman nang sumalang siya sa interview ng JBC ay hindi naiwasan ng ilang mga miyembro nito na halungkatin ang mga kwento sa likod ng mga kliyente ng kanyang mister.
Hindi lang masabi ng aking cricket kung nakabuti ba o nakasama sa estado ni Madam ang pagiging kontrobersyal ng feeling pogi niyang husband.
Ang kandidata sa pagka-associate justice na tinutukoy natin sa kwentong ito ay si Madam T….as in Topic.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending