Julie Anne sa pagiging close uli nila ni Alden: Diyos lang ang nakakaalam…
“KAHIT wala akong ginagawa, may gawin ako, may masasabi at masasabi pa rin sila!”
‘Yan ang sagot ng Asia’s Pop Diva na si Julie Anne San Jose sa pangnenega sa kanya ng ilang fans ni Alden Richards nang dahil sa muli nilang pagsasama sa pilot episode ng bagong musical comedy show ng GMA 7, ang All-Out Sundays.
Nakachikahan ng ilang entertainment media ang dalaga pagkatapos ng live telecast ng #AOS at dito nga niya sinagot ang ilang issue sa kanila ng Pambansang Bae. Inamin niyang hindi talaga masasabing “friends” sila ni Alden ngayon pero maayos ang kanilang working relationship.
Pinusuan at ni-like ng kanilang mga fans ang ginawa nilang bonggang opening number sa All-Out Sundays nitong nakaraang Linggo, pero marami rin ang nangnega sa kanila, lalo na ‘yung mga kumokontra sa kanilang tambalan.
“We’re okay. We’re civil. Nu’ng nire-rehearse namin yung production number, okay naman kami,” unang pahayag ng dalaga.
Sa tanong kung posible pa bang maging close sila ni Alden ngayong madalas na silang magkakasama sa trabaho, “I guess. We’ll see. A lot of things can happen in a year. I don’t know what’s gonna happen in the future.
“Only God knows. He can twist things around. As for me, madaming mga bagay na mangyayari for me when it comes to my work, I claim it. Yung mindset ko this year, it’s gonna be a year of breakthroughs talaga,” sey pa ng singer-actress.
Sundot na tanong sa kanya, feeling ba niya mas mag-i-improve ang samahan nila ni Alden bilang magkatrabaho kapag tumagal-tagal na ang #AOS, “I don’t know. Hahaha! Hindi ko po alam isasagot ko, e. Basta, like, right now, I’m just focused muna being myself, being a solo performer.”
Dati nang magkaibigan ang dalawang Kapuso stars pero balitang nagkatampuhan kaya bigla na lang hindi nagpansinan. Muli lang silang nag-usap at nagbatian nang magkasama sa Sunday PinaSaya noong 2015. Isa si Julie Anne sa mga female celebrities na na-bash ng AlDub Nation nang ma-link siya kay Alden.
Naiintindihan naman ng Kapuso star kung may mga taong ayaw sa tambalan nila ni Alden, tulad ng mga gumamit ng hashtag na #NoToJulie noong umeere ang #AOS last Sunday na tinapatan naman ng supporters nila ni Alden ng #YesToJulie. Nagising na lang daw siya na nagte-trend na ang pangalan niya sa Twitter.
“I didn’t know how to react kasi, ‘Ano ‘to?’ Chineck ko yung mga tweets, yung mga hashtags, yun ang trend. Yun na yun. Dun na lang tayo sa yes, huwag na tayo sa no.”
“We’re actually aware kung may sasabihin man yung ibang tao. Even ako, kahit wala akong ginagawa, may gawin ako, may masasabi at masasabi yung ibang tao. At the end of the day, it doesn’t really matter to me, I love doing my job. Gusto lang namin maging maganda ang production number,” paliwanag pa ni Julie Anne.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.