Resbak ng Palasyo kay Leni: Iyong failure iyong pag-upo niya | Bandera

Resbak ng Palasyo kay Leni: Iyong failure iyong pag-upo niya

Bella Cariaso - January 06, 2020 - 03:49 PM

RUMESBAK ang Palasyo kay Vice President Leni Robredo matapos naman ang kanyang pahayag na bigo ang gobyerno sa kampanya nito kontra droga.

Sa isang briefing, iginiit ni Presidential Spokesperson at Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na tagumpay ang gera kontra droga taliwas sa pahayag ni Robredo.

Palagay ko iyong failure iyong pag-upo niya,” sabi ni Panelo.

“Eh kung failure iyon, di sana iyong problema natin sa droga inabot na siguro ng lahat ng pamilya. The fact remains that we have dismantled so many drug factories, illegal drug factories,” ayon pa kay Panelo.

Binatikos din ni Panelo ang ginagawa ni Robredo na idinadaan sa media ang pagkontra sa administrasyon ni Pangulong Duterte.

“Ang problema kasi ang ginawa niya roon puro press conferences, puro pakikiusap sa mga hindi naman dapat kausapin. Eh iyon ang nangyari,” paliwanag pa ni Panelo.

Kinontra rin ni Panelo ang pahayag ni Robredo na tanging mga maliliit na pusher at user lamang ang apektado ng kampanya kontra droga.

“Unang-una, hindi totoo iyong sinasabi niya; otherwise paano ko ipapaliwanag iyong mga na-dismantle na natuklasan na mga factories, drug factories all over the country. Papaano mo maipapaliwanag iyong maraming na-confiscate na mga nakapasok na shabu,” dagdag pa ni Panelo.

“Saka iyong mga high-valued targets, hindi ba maraming inilabas na iyong police saka iyong PDEA kung sinu-sino iyong mga ito, meron pa ngang mga Mayors eh, meron pang mga—marami, marami nang nasalanta eh. I think she just wants to be relevant,” ayon pa kay Panelo.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending