Para sa may kaarawan ngayon: Isang ka-opposite sex ang magbibigay sa iyo ng bonggang-bonggang suwerte sa taong ito ng 2020. Ibig sabihin, kung ikaw ay babae, isang lalaki ang magaabot sa iyo ng isang napakalaking suwerte at kung ikaw naman ay isang lalaki, dahil sa isang babae, magtatamo ka ng napakagandang kapalaran ngayong 2020. Markahan ang 5, 17, 28, 33, 38 at 45. Silver at red ang buenas. Swerte ang initial na R. at C.
Aries – (Marso 21-April 19)- Ito ang araw na sadyang laan sa iyo. Bukas ang bintana ng langit upang magsabog ng mga biyaya sa lupa. Pagkakataong mo ng humiling ng kahit na ano at tiyak na ito ay matutupad at magkakatotoo ngayong taong ito ng 2020. Sa lovelife, mainit at suwerteng hatid ang kasuyong Scorpio. Markahan ang 2, 19, 27, 33, 47 at 49. Green at violet ang buenas. Swerte ang initial na T. at J.
Taurus – (April 20-May 20)- Sa panahong ito na nagsisimula pa lamang ang Bagong Ttaon, lalo kang susuwertehin kung magsusuot ng damit na kulay pula. Sa lovelife dahil sa kulay na pula, isang buong linggong aani ng masarap at maligayang romansa. Markahan ang 3, 15, 27, 33, 41 at 45. Blue at red ang buenas. Swerte ang initial na M. at P.
Gemini – (May 21-June 21)- Mabibilis na pangyayari ang magaganap sa taong ito ng 2020. Kapag nagsimula ang buwang ito ng Enero sa suwerte, tulad ng inaasahan, tuloy-tuloy ng darating sa iyo ang mas marami pang suwerte at magagandang kapalaran sa buong taong ito ng 2020. Sa lovelife, lalong sasaya at sasarap ang relasyon. Markahan ang 5, 9, 14, 34, 43, at 49. Gray at pink ang buenas. Swerte ang initial na C. at V.
Cancer – (June 22- July 22)- Huwag hayaang lumayo ang kasuyong Scorpio, hindi ka uunlad at hindi ka rin liligaya kung wala siya. Hanggat may panahon pa habulin at pabalikin mo na siya. Oo, sa taong ito ng 2020 nasa kanya ang iyong suwerte at ligaya. Markahan ang 6, 17, 24, 36, 42 at 48. Green at lilac ang buenas. Swerte ang initial na K. at L.
Leo – (July 23 – August 22)- Hindi magiging maligaya kung may lungkot sa iyong puso. Magalak ka at magsaya. Sapagkat habang nagagalak ka at nagsasaya, sa taong ito ng 2020, lalo pang darami ang iyong pera at lalo pang liligaya ang pakikipagrelasyon. Markahan ang 6, 17, 28, 34, 40 at 49. Yellow at violet ang buenas. Swerte ang initial na S. at D.
Virgo – (August 23 – September 22)- Dahil mabilis na naubos ang pera nitong nakaraang holiday season, panahon na upang iwasang magtapon ng salapi sa mga walang kabuluhang bagay. Sa lovelife hikayatin din ang kasuyo na magtipid-tipid muna. Markahan ang 6, 16, 22, 32, 46 at 48. Violet at purple ang buenas. Swerte ang initial na P. at A.
Libra – (September 23-October 23)- Huwag makipaglandian sa iba, may babala ng tukso at pagtataksil. Manatiling tapat sa kasuyong Aquarius. Sa pinansiyal, wag ubusin ang pera sa pagbo-blow-out, magtabi ng salapi para sa pang-Valentine date. Markahan ang 4, 18, 28, 37, 40 at 46. Yellow at purple ang buenas. Swerte ang initial na T, at F.
Scorpio – (October 24 – November 21)- Sa taong ito ng 2020 may bagong pag-ibig na darating hatid ng isang nilalang na isinilang sa buwan ng Hulyo. Sa pinansyal, tama ang iniisip na pagtitipid, pero bakit hindi mo magawa – simulan mo na kasi ngayon! Markahan ang 4, 13, 28, 34, 40 at 43. Orange at blue ang buenas. Swerte ang initial na L. at E.
Sagittarius – (November 22 – December 21)- Sa taong ito wag makibarkada sa mga taong walang pera mauutangan ka lang nila. Piliin ang mga kaibigang mayayaman, upang maambunan ka nila ng grasya at suwerte. Sa lovelife, iwasan ang mga pangit sa halip piliin silang magaganda. Markahan ang 4, 19, 27, 36, 40 at 46. White at magenta ang buenas. Swerte ang initial na Q. ar O.
Capricorn – (December 22 – January 19)-Hindi ka yayaman sa sariling bayan. Upang umunlad at lumigaya maghanap ng pagkakakitaan sa malayong pook. Markahan ang 1, 13, 19, 22, 40 at 49. Yellow at red ang buenas. Swerte ang initial na V. at S.
Aquarius – (January 20 – February 18)- Hindi mabuti ang sobrang galante. Kapag ganyan ang iyong ugali, hindi ka yayaman. Upang masolusyunan, ang pagiging bulaksak, maghanap ng kuripot na asawa. Sa ganyang paraan mas madaling uunlad ang inyong pamilya. Markahan ang 3, 9, 12, 30, 34 at 49. Beige at blue ang buenas. Swerte ang initial na G. at F.
Pisces – (February 19 – March 20)- Mag-display ng aquarium sa entrada ng bahay ngayong 2020. Lagyan ng 8 isdang pula at isang isdang itim, puwede ding: 8 isdang itim at isang isdang pula. Kapag nagawa mo yan, susuwertehin ka sa pag-ibig at sa materyal na bagay sa buong taong ito ng 2020. Markahan ang 2, 7, 16, 25, 33, at 49. Red at black ang buenas. Swerte ang initial na Y, at T.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.