Maine reynang-reyna pa rin ng social media; guesting ni Kisses sa Unang Hirit trending | Bandera

Maine reynang-reyna pa rin ng social media; guesting ni Kisses sa Unang Hirit trending

|January 04,2020
facebook
share this

Maine reynang-reyna pa rin ng social media; guesting ni Kisses sa Unang Hirit trending

- January 04, 2020 - 01:00 AM

MAINE MENDOZA

NAKIPAGBAKBAKAN ang mga fans ni Kisses Delavin upang maging isa sa top trending topic sa Twitter ang guesting ng dalaga sa Kapuso morning show na Unang Hirit kahapon.

As of this writing, humamig na ng 41.1K tweets ang gamit nilang hashtag na #KissesDelavinOnUH, huh!

Pero sa kabila ng effort ng mga supporters ni Kisses, hindi pa rin nila natalbugan ang powers ng fans ni Maine Mendoza kahit dalawang hashtags pa ang kanilang ginamit, ang #MaineMendoza at #MainePaRinSa2020.

Nakakuha na ng more than 51.7K tweets ang hashtag na #MaineMendoza habang 3,275K ang tweets ng #MainePaRinSa2020.

Pero sa huling pagtse-check namin, pumasok din naman sa number 1 trending topic ang guesting ni Kisses sa Unang Hirit.

Kung hindi kami nagkakamali, ito ang unang pag-apir ni Kisses sa isang GMA program na talagang nag-trending. ‘Yung guesting niya sa Eat Bulaga at winner din sa Twitter pero mas marami ang nag-abang at nakapanood sa kanya sa UH.

Eh, nang ilabas ang trailer ng Regal movie na “D’Ninang” last Jan. 2 kung saan isa sa cast members si Kisses, aba, number 5 naman ito sa trending topics nu’ng araw na ‘yon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending