Metro Manila mayor binubuyong tumakbo sa 2022 presidential polls | Bandera

Metro Manila mayor binubuyong tumakbo sa 2022 presidential polls

Den Macaranas - January 03, 2020 - 12:15 AM

BANTAY-sarado ng kanyang mga tunay na kaibigan ang isang city mayor dahil baka magkamali siya sa kanyang susunod na political move.
Ito ay dahil pilit siyang ibinubuyo ng ilan sa kanyang mga tauhan na tumakbo sa mas mataas na pwesto sa 2022.
Sinabi ng aking cricket na numero unong nagtutulak kay Mayor na tumakbo siya sa mas mataas na posisyon ay ang kanyang mismong chief of staff.
Lingid sa kaalaman ng opisyal, may pagkaambisyoso rin ang kanyang alalay na noon pa man ay gusto nang magkaroon ng Cabinet position sa pamahalaan.
Muntik na niyang maabot ang pangarap na iyon nang siya’y maitalagang undersecretary sa isang makapangyarihang departamento.
Pero dahil sa sobrang yabang at pakialamero ay nakabangga niya ang pinuno ng nasabing kagawaran na naging dahilan kaya siya nasipa sa posisyon.
Sinabi pa ng aking cricket sa city hall na umaasa ang chief of staff ni mayor na mabibigyan siya ng magandang pwesto kapag naging pangulo ng bansa ang kanyang amo.
Pero sinabi naman ng ilang tunay na nagmamalasakit sa alkalde na huwag na muna niyang iwan ang lungsod dahil may natitira pa siyang dalawang termino.
Kapag natapos ito ay presidential election na naman at mas magandang doon niya subukan ang kanyang swerte sa pagsungkit sa pwesto sa Malacanang.
Ang city mayor na pinapayuhang huwag magpa-uto sa mga ambisyosong nakapaligid sa kanya ay si Mayor I…as in Islaw.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending