Anne, Erwan nahihirapang pumili ng pangalan para sa unang baby
EKSKLUSIBONG ni-reveal ni Anne Curtis ang mga hirap at tuwa na pinagdaraanan niya sa pagbubuntis ng first baby nila ni Erwan Heussaff sa Kapamilya morning show na Magandang Buhay.
Para kay Anne, isang journey ang pagdadalang-tao na hindi pa niya napagdaanan ever. Ibinahagi ni Anne sa Magandang Buhay hosts na sina Jolina Magdangal, Karla Estrada at Melai Cantiveros ang last guesting niya sa show kung saan tinanong siya kung ano pa ba ang dream niya ang ‘di pa natutupad.
“And now, it’s happening,” kinikilig na pahayag ni Anne. “This is probably the biggest dream come true for me. So, excited ako na tahakin itong journey na ito. Alam kong hindi siya magiging madali at happy lang ako dahil ang daming nagbibigay sa akin na mga momshies sa akin ng advice on how to handle.
“Thank you Lord, talaga. Hindi ako magko-complain na nangyari siya nang mas maaga. Siguro sabi nga ni Erwan, ‘It is a blessing.’ Hindi siya planado pero gusto namin,” lahad ng TV host-actress.
Natuwa si Anne na napasama siya sa isang chat room na ang mgakasali ay “ka-batch” niya at ‘yung iba naman ay may pangalawang anak na.
“So, anytime na merong concern kahit two a.m. gising sila. May mga nagbi-breastfeed, ganyan. So, pati ‘yung mga kung anong gamit ang maganda? Anong pump, diaper merong support system.
Siyempre ako, wala akong alam. Hindi ako prepared for this so, any tanong, or anything na maramdaman ko agad na hindi normal, tanong ko agad,” sabi pa ni Anne.
Sa ngayon, pinaghahandaan na nina Anne at Erwan ang nursery room ng kanilang baby girl. Tinanggal na raw nila ang kama sa kanilang guest room. Pa-start na raw sila pero hindi pa talaga buo.
“Sa name? Doon kami nahihirapan. Ang hirap mag-decide ng name. It’s either meron akong nagustuhan, tapos merong ibang tao na may anak na ganoon pala. Siyempre, gusto ko ‘yung name ng baby ko siya lang, oo.”
Every morning pagkagising ni Erwan ay kinakausap niya ang baby sa tiyan ni Anne, “Oo, tapos every night bago matulog. Nakakakilig pala ‘yun? ‘Yung nakadikit siya (sa tiyan), tapos kinakausap niya (ang baby).”
After ng guesting ni Anne sa Magandang Buhay, more or less six months daw siya munang magpapahinga sa TV kaya tiyak na mami-miss siya ng Kapamilya viewers.
* * *
Nakausap din namin ang younger sister ni Anne na si Jasmine Curtis-Smith sa black carpet premiere night ng “Culion” na palabas na sa mga sinehan bilang bahagi ng 2019 Metro Manila Film Festival.
When asked kung kumusta na si Anne, ito ang sabi ni Jasmine, “She’s dull. She’s very ano, bored na yata siya at home. Kasi nagre-arrange na siya. Ano ‘yun, nesting? Nagne-nesting na siya. So, very busy siya sa pag-turn ng new leaf at new chapter sa buhay niya.”
Sure siya na happy ang mommy nila na si Carmen sa baby ni Anne, “Nandito si Mommy. Yeah, she’s so excited. So, parang, not just for Ate to have a baby but also for my Mom to experience being a grandma, ‘di ba? Yeah, excited na kaming lahat talaga. First apo, e.”
Kasama ni Jasmine sa premiere night ng “Culion” ang boyfriend niya for three years at Regional Director for Tourism na si Jeff Ortega.
Very patient si Jeff sa pagtayo habang iniinterbyu ng reporters at manaka-naka ay sumasagot naman kapag tinatanong. Like when Jasmine was asked kung meron na ba silang plano na mag-settle down.
“Wala pa,” sagot ni Jasmine. “Busy-busy pa. Busy pa kami pareho on our respective worlds. So, when it happens, darating din ‘yun. Hindi naman kami ‘yung tipo na, kailangan ganito, or kailangan at a certain age. Basta nararamdmaan naman namin na every time our relationship steps-up becomes more, yeah, we’re stable.”
Sabi naman ni Jeff, “We think, we know where we’re going.”
“Yeah, I think that’s the right phrase,” pag-agree ni Jasmine.
Natawa naman si Jasmine when we asked her kung hindi ba siya naiingggit kay Anne sa pagkakaroon ng baby, “Hindi pa,” ngiti ni Jasmine.
“Malayo pa,” ngisi naman ni Jeff.
“Gusto ko munang maging Tita. And then, pag-iisipan ko kung gusto ko nang magka-baby once ma-experience ko ang baby ni Ate.”
On her film “Culion” together with Iza Calzado and Meryll Soriano, natuwa siya sa mga narinig niyang comment on her performance sa movie directed by Alvin Yapan.
“Yeah, mabigat nga po ‘yung role ko sa movie. But I think, nae-enjoy ng tao kapag umiiyak ako, kapag malungkot ako. So, I’m hoping na na-deliver ko naman ‘yun.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.