Robin nagsalita na kung bakit natalong Best Actor si Aga sa 2019 MMFF | Bandera

Robin nagsalita na kung bakit natalong Best Actor si Aga sa 2019 MMFF

Ervin Santiago - December 31, 2019 - 12:30 AM

ROBIN PADILLA AT AGA MUHLACH

MAY “feeling” si Robin Padilla kung bakit hindi nanalong best actor si Aga Muhlach sa nakaraang Gabi ng Parangal ng 2019 Metro Manila Film Festival.

Sa kabila ng mga papuring tinanggap ng aktor sa MMFF entry nitong “Miracle In Cell No. 7” ay hindi niya naiuwi ang tropeo. Si Allen Dizon ang nanalong best actor para sa pelikulang “Mindanao” na pinagbibidahan ni Judy Ann Santos.

Sabi ni Binoe sa kanyang mahabang post sa Instagram, baka raw dahil isang adaptation ang “Miracle In Cell No. 7” mula sa South Korea kaya hindi nanalo si Aga.

“Sa akin opinyon baka dahil Adaptation po kasi ang miracle kaya nahirapan po ito lumusot sa criteria ng mga masusing artist at jurors

“Pero sigurado po ako sa kanilang puso ay nagmarka ang Miracle.

“God willing may ibang award giving bodies pa naman kaya sa ngayon ay ipagdiwang muna natin ang tagumpay sa takilya ng pelikula ni Mr Aga.

“Tutal alam naman natin lahat na best actor of all time si Muhlach,” litanya ng action star.

“Mr Aga is a reasonable man i know he is very happy for that young actor from the movie Mindanao.

“Congratulations Mr Muhlach again you have ruled the box office and set a new trend to our movie goers and the entertainment world.

“Mabuhay ka Pare ko at pagpupugay sa sultan ng Viva Films boss vic del rosario!” dagdag pang pahayag ng mister ni Mariel Rodriguez.

Samantala, hinikayat din ni Binoe, bilang isang Muslim, ang madlang pipol na suportahan ang “Mindanao.”

“Suportahan rin natin ang pelikulang mindanao mga kababayan panoorin din natin kung bakit nanalo ito ng maraming awards in shaa Allah,” ani Binoe.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending