2019 Top 10 trending chika ng Bandera; 'Batibot' video ni Jim Paredes nanguna | Bandera

2019 Top 10 trending chika ng Bandera; ‘Batibot’ video ni Jim Paredes nanguna

Djan Magbanua - December 31, 2019 - 12:05 AM

JIM PAREDES, GERALD ANDERSON, JULIA BARRETTO, BEA ALONZO, SARAH GERONIMO AT MATTEO GUIDICELLI, ANGEL LOCSIN AT NEIL ARCE, KATHRYN BERNARDO AT ALDEN RICHARDS, JIMMY BONDOC, EDDIE GARCIA, KAREN DAVILA AT MANNY PACQUIAO, CLAUDINE, MARJORIE AT GRETCHEN BARRETTO

BASTA showbiz chika, maraming nakatutok sa BANDERA.

Patunay diyan ang trending and most read controversial stories ng 2019 na pinag-usapan nang bonggang-bongga ng followers at readers ng BANDERA.

Narito ang listahan ng mga balitang showbiz na sumabog sa nakalipas na 12 buwan na nakakuha rin ng libu-libong likes, comments at shares mula sa madlang pipol.

ITLOG NI ICE READY NA SA PAGBUBUNTIS NI LIZA

Nag-trend nang husto ang procedure ng pagkolekta sa “itlog” ni Ice Seguerra para sa pagbubuntis ng asawang si Liza Dino. Through in vitro fertilization, ang egg cells kasi na nakuha kay Ice ang siyang ipagbubuntis ni Liza after ito ma-fertilize ng sperm ng kanilang chosen donor. May mga bumatikos sa plano ng mag-asawa pero marami rin ang kumampi sa kanila.

KAREN DAVILA VS MANNY PACQUIAO SA ISSUE NG COLLEGE DIPLOMA

Matinding pamba-bash ang naranasan ng broadcast journalist na si Karen Davila after her one-on-one interview with Sen. Manny Pacquiao. Tinanong kasi niya ang Pambansang Kamao kung sang-ayon ba siya na dapat ay degree holder ang mga senador in which the Senator answered yes. Karen’s follow up question was, “Pero kung ganu’n, baka hindi ka na mag-qualify.”
Many thought na rude at may malisya ang tanong ni Karen. While some are just saying that she is just doing her job, marami rin ang nagkomento na binastos niya ang boxer-politician.

EDDIE GARCIA NAAKSIDENTE SA TAPING…NA-COMATOSE, NAMATAY

Bumuhos ang dasal para sa veteran actor-director na si Eddie Garcia nang maaksidente sa set ng ginagawang teleserye sa GMA. Ngunit ilang araw lang matapos ma-confine sa ospital binawian din ito ng buhay. Maraming netizens ang nagsabi na naging pabaya ang production lalo na nang kumalat sa social media ang video kung saan makikita na tila nadapa sa isang cable wire si Manoy.

JIMMY BONDOC MALALIM ANG HUGOT KONTRA ABS-CBN

Sa gitna ng issue tungkol sa renewal ng kanilang franchise, isang nagdidiwang na Jimmy Bondoc ang nagsabi na masaya siya sa napipinting pagsasara ng network. Tinawag niyang “snake pit” na talamak sa politika at sexual favors ang istasyon. Ilang stars ng ABS-CBN ang nag-react tungkol dito and one of the most vocal ay si Angel Locsin.
“Let me be the one to break this news to you so you don’t have to make excuses. This network might not be perfect but for you to be happy about thousands of people losing their jobs is pure evil. Maybe you’re just having a bad day. I will pray for you” sagot ng aktres inspired by the song “Let Me Be The One,” isa sa mga kantang pinasikat ni Bondoc.

ANGEL LOCSIN ENGAGED NA KAY NEIL ARCE

Sabay nag-post ang dalawa sa kanilang Instagram account para ibandera ang balitang engaged na sila. Kuwento ng matalik na kaibigan ni Angel na si Dimples Romana, humingi pa raw ng tulong si Neil sa kanya para lang malaman ang ring size ni Angel. Kung hindi na magbabago ang plano, mukhang sa 2020 na magaganap ang wedding.

BEA x JULIA x GERALD: SINO ANG INAHAS AT NANG-AHAS?

Sino ba ang makakalimot sa “The Great Ghosting” scandal sa showbiz kung saan nawasak na ngang tuluyan ang relasyong Bea Alonzo at Gerald Anderson na ang itinuturong dahilan ay si Julia Barretto. Ilang netizens ang nagpakalat ng larawan nina Gerald at Julia na magkasama sa isang party. This prompted Bea to post cryptic messages sa kanyang Instagram.
Nang ma-interview si Bea pati siya ay na-shock dahil hindi niya alam na nakipag-break na pala si Gerald sa kanya. Bigla na lang daw siyang hindi kinausap ng aktor. For her part naman, Julia vehemently denied na may relationship sila ni Gerald at ipinagdiinang hindi siya AHAS!

HELLO, LOVE, GOODBYE GUMAWA NG HISTORY SA MOVIE INDUSTRY

Nagmarka rin sa taong ito ang unang pagsasama sa pelikula ng dalawang bigating artista ng magkalabang network na mula sa magkaibang loveteam. Naging blockbuster hit sa unang araw pa lang ang “Hello, Love, Goodbye” nina Alden Richards at Kathryn Bernardo. At dahil halos umabot na ang kinita nito sa takilya, itinanghal din ito bilang highest grossing Filipino film of all time.

BARETTO FAMILY FEUD: TEAM GRETCHEN-CLAUDINE VS TEAM MARJORIE

Nagrambulan ang Barretto sisters
na sina Claudine, Marjorie, at Gretchen sa mismong lamay ng yumao nilang ama at sa harap pa mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte. Sinubukan pa silang pagbatiin ng Presidente pero wala ring nangyari. Nagpatuloy ang bangayan ng magkakapatid sa social media kung saan sila nagbatuhan ng kani-kanilang mga baho at nadamay pa nga sina Atong Ang at Tonyboy Cojuangco.

MATTEO GUIDICELLI NAG-PROPOSE NA KAY SARAH GERONIMO

Nagpiyesta ang Popsters nang bumandera ang balitang engaged na ang kanilang idolo sa long time boyfriend nitong si Matteo Guidicelli. Actually, halos isang taon na since the proposal pero ngayong taon lang nila ito ibinahagi sa buong universe. Ayon naman sa former road manager ni Matteo, 2014 pa lang ay nag-iipon na ang binata para sa engagement ring na ibinigay niya kay Sarah.

‘BATIBOT’ VIDEO NI JIM PAREDES BENTANG-BENTA

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Earning the top spot para sa pasabog ngayong taon ang sex video ng APO Hiking Society member na si Jim Paredes. Nagulantang ang madlang pipol nang biglang kumalat sa social media ang video ng veteran singer kung saan pinaliligaya niya ang sarili. Noong una ay dinenay pa niya na siya ang lalaki sa video pero umamin din. Hindi raw niya alam kung paano ito kumalat pero humingi siya ng tawad sa kanyang pamilya at mga kaibigan na naapektuhan at nasaktan sa nangyari.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending