Diretsahan na: Catriona nililigawan ba nina Alden at Sam?
Nagsalita na si Miss Universe 2018 Catriona Gray tungkol sa balitang nililigawan siya nina Alden Richards at Sam Milby.
Ayon sa Pinay beauty queen, nagsimula ang chika na pinopormahan siya ng Asia’s Multimedia Star nang mag-post ang kanyang supporters ng mga litrato at mensahe tungkol sa kanila. Pero nilinaw niya na never pa silang nag-meet ng Kapuso actor.
“I feel like the fans are really shipping (us), which I think is a thing that fans do. I’ve never met Alden before,” ang diretsong sabi niya sa panayam ng Tonight With Boy Abunda. Ibig sabihin, netizens lang ang nagpakalat ng balita na nagkakamabutihan na sila ni Alden.
Tungkol naman kay Sam Milby, magkaibigan sila ng binata. Iisa lang ang simbahan na pinupuntahan nila at pareho rin sila ng management company. Hindi rin daw siya nililigawan ng hunk actor.
“Sam naman, we go to the same church, we’re under the same management, so friend naman siya,” sey ni Cat. Ang huling nakarelasyon ng dalaga ay ang hunk model-actor din na si Clint Bondad.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.