Mga trak ng basura iniwan sa Luneta sa pagdiriwang ng Pasko
NAGPAHAYAG ng pagkadismaya ang EcoWaste Coalition sa pagkakalat ng mga taong pumunta sa Luneta para doon ipagdiwang ang Pasko.
Ilang trak ng basura ang hinakot mula sa Rizal Park matapos ang pagdiriwang ng Pasko at posibleng maulit umano ito sa pagdiriwang ng Bagong Taon at sa Traslacion sa Enero 9.
“While we thank the park maintenance workers for diligently sweeping up after the visitors, we despise the brazen littering by some uncaring people because this is not an OK thing to do,” ani Jove Benosa, Zero Waste Campaigner ng EcoWaste.
Marami sa mga iniwang kalat ay mga plastic bag, bottle at cup, mga papel at styro foam na pinaglagyan ng pagkain at inumin.
“Litter is not only unsightly, but also unhygienic and polluting. Litter attracts flies and rats and causes the spread of diseases, while creating rotting smell from food waste. Litter, especially single-use plastic bags, can be blown or washed into waterways and the oceans, harming aquatic life,” dagdag pa ni Benoza.
Mistulang hindi umano alintana ng mga tao na lumalabag sila sa Manila City Ordinance 7866 at Ecological Solid Waste Management Act (RA 9003) sa ginawang pagkakalat ng mga ito.
Sa ilalim ng RA 9003 ang mga magkakalat ay pagmumultahin ng P300-P1,000 at community service na isa hanggang 15 araw.
Sa ilalim naman ng Manila City Ordinance 7866 ang mga magkakalat ay pagmumultahin ng P3,000 at makukulong ng 30 araw.
“Let’s all cooperate in protecting Rizal Park and other green spaces from turning into virtual dumps by sticking with the eco-mantra ‘take nothing but pictures, leave nothing but memories, kill nothing but time’ and by just simply being respectful to fellow visitors and to Mother Earth,” dagdag pa ni Benosa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.