Annular solar eclipse nasaksihan sa Mindanao
ISANG annular solar eclipse na mayroong “ring of fire” effect ang nasaksihan sa katimugang bahagi ng bansa ngayong araw.
Ayon sa Department of Science and Technology-Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration ang buwan ay nasa malayong posisyon kaya hindi nito matatakpan ng buo ang araw kaya magmumukhang mayroon itong apoy sa paligid.
Ang annular eclipse ay nasaksihan sa katimugang bahagi ng bansa partikular sa Glan (Batulak), Balut at Sarangani Island. Masasaksihan din ito sa Saudi Arabia, Qatar, United Arab Emirates, Oman, India, Sri Lanka, Malaysia, Indonesia, Singapore, Northern Maraina Islands at Guam.
Huling nasaksihan sa bansa ang annular eclipse noong Hulyo 20, 1944 na nasaksihan ng buo sa Puerto Prinsesa City, Palawan hanggang Southern Mindanao.
Ang susunod na annular solar eclipse ay makikita sa Pilipinas sa Pebrero 28, 2063. Susunod sa Hulyo 24, 2074.
Sa Hulyo 21, 2020 ay makikita naman ang partial solar eclipse sa Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.