Isko, nawawalang briefs, RPG love story babalikan ng KMJS
Ngayong gabi, samahan si Jessica Soho na balikan ang mga kuwentong trending, viral at talaga namang tumatak sa mga viewers ngayong 2019 sa two-part special na “The Best of Kapuso Mo, Jessica Soho.”
Ang dating tindera sa palengke ng Tondo, napaaga ngayon ang aginaldo dahil sa pagtama ng milyon-milyong piso sa lotto. Ang dating basagulero, nagdesisyong magbagong-buhay matapos nakapag-ipon at umasenso.
Sa mga malalamig naman ang Pasko, tiyak mai-inspire sa nakakakilig na kuwento ng dalawang millennials na na-in love sa isa’t isa dahil sa Role Playing Games. Ang mag-asawa naman mula sa Quezon, tinupad ang sumpang mahalin ang isa’t isa, kahit maputi na ang buhok nila.
Babalikan din ni Jessica ang kanyang panayam sa isa sa mga big newsmaker ng taong ito na si Manila Mayor Isko Moreno at ang misteryo sa likod ng mga nawawalang briefs sa isang barangay Bicol?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.