INARESTO ng mga awtoridad ang 335 Chinese national, na nagtatrabaho sa isang kompanya ng Philippine offshore gaming operation (POGO), sa raid sa Quezon City, Huwebes ng gabi.
Isinagawa ng mga tauhan ng Quezon City Police District at Bureau of Immigration (BI) ang operasyon dakong alas-10, ayon sa National Capital Region Police Office.
Ang mga banyaga ay pawang mga nagtatrabaho sa Lambda, isang POGO company na lisensyado ng Philippine Amusement and Gaming Corporation at may tanggapan sa bahagi ng EDSA na sakop ng Brgy. Bago Bantay.
Dinampot sila matapos makumpirma ng BI na kinansela ng gobyerno ng China ang kanilang mga pasaporte para sa umano’y pagkasangkot sa investment scams at iba pang financial at cyber crimes, ayon sa NCRPO.
Dinala ang mga nadakip na banyaga sa Camp Karingal para maidokumento bago tuluyang ipa-deport ng BI.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.