Rocco naospital matapos masawi sa pag-ibig: Pero nakabangon ako
KUNG may isang Kapuso actor ngayon na talagang binabagyo ng blessings at swerte, ‘yan ay walang iba kundi si Rocco Nacino.
Bukod sa bagong teleserye ng GMA 7, ang Pinoy remake ng Korean hit series na Descendants Of The Sun at sa health show niya sa GMA News TV, may entry pa siya sa nalalapit na Metro Manila Film Festival 2019, ang romantic-comedy-drama na “Write About Love” under TBA Studios.
Sa presscon na ibinigay ng GMA 7 kay Rocco para sa promo ng pelikula na idinirek ni Crisanto Aquino, sinabi ni Rocco na maswerte siya ngayong 2019 dahil nga sa dami ng projects na ginagawa niya. Kaya naman super thankful siya sa Kapuso Network dahil sa patuloy na pagmamahal at suportang ibinibigay sa kanya mula noon hanggang ngayon.
Feeling grateful and thankful din ang hunk actor sa lahat ng mga nagsusulat at nagpo-post ng magagandang reviews tungkol sa “Write About Love” kung saan kasama rin niya sina Yeng Constantino, Joem Bascon at ang leading lady niya sa movie na si Miles Ocampo. Mas ginaganahan daw sila sa pagpo-promote ngayon ng kanilang MMFF entry dahil sa positive feedbacks ng mga nakapanood na sa pelikula.
“It’s a romcom about lovers and ex-lovers told like a film within a film. Miles is a young writer who collaborates with me, the more seasoned senior writer, in re-writing the script of an unfinished movie na pagbibidahan nga nina Joem at Yeng, sila ‘yung mga artistang gumaganap sa binubuo naming script ni Miles.
“Noong una, hindi kami magkasundo ni Miles kasi we have conflicting personalities as she is NBSB, no boyfriend since birth. But as we try to write the script together, we discover more things about each other and what it takes to write about love,” kuwento ni Rocco about the film na umaming nag-audition talaga siya for the said project at maswerte namang siya ang napili.
“Yes, I auditioned for it. Actually, I auditioned for both the male roles, pati yung kay Joem. But they opted to give me the role of the senior writer, which is the exact opposite of me in real life kasi introvert siya sa kuwento, very reserved. Hindi siya mayabang pero ang lakas ng dating niya. E, ako, I can easily get along fine with all sorts of people, but I think may nakita sila sa akin during the auditions that made me qualify for the role,” chika ni Rocco.
“Different kinds of love ‘yung ipakikita ng Write About Love. It was a lot of internalizing and talking to Miles para maka-dig ako ng experience n’ya when it comes to love, family,” dagdag pa ng aktor.
Maraming nag-comment na kahit medyo malayo ang agwat ng edad nila ni Miles ay malakas pa rin ang chemistry nila on screen, “Oo nga e, nakakatuwa na may nakita silang something sa amin.
And kahit medyo bata sa akin si Miles, mature naman siya mag-isip. She’s undergoing sessions with Ricky Lee, scriptwriter talaga siya. Sabi ko, pasok na pasok ‘yung role para sa kanya. She’s very mature in a way kaya nakakatuwa rin. Parang ‘yung usapan namin, pang matanda na, parang ka-age ko lang siya.”
Siguradong tuwang-tuwa ang TBA Studios kay Rocco at sa iba pang members ng cast ng “Write About Love” dahil sa sipag nilang mag-promote. Naikuwento nga ni Rocco ang ginawa niyang buwis-buhay na pagpunta sa premiere night ng movie recently na ginanap sa SM Megamall.
May taping kasi sila that day for Descendants of the Sun sa Tanay, Rizal kaya nagpaalam siya sandali sa production para lang maka-attend sa premiere night. At dahil alam niyang matrapik pabalik ng Maynila, nag-motor na lang siya para makaabot on time, ‘yun nga lang kinailangan niyang umalis agad dahil may mga eksena pa siyang kukunan sa DOTS.
Samantala, natanong din si Rocco kung posible pa bang magtambal sila ng kanyang ex-girlfriend na si Lovi Poe sa future projects ng GMA, diretsong sagot ng binata, “Hindi na siguro.” Sundot na tanong sa kanya, kung ganu’n ba talaga kasakit ang kanilang break-up, “Hindi na papayag ang mama ko. I was confined in a hospital. That’s how bad it was. But I’d rather not go into it now. With the help of my family and some very good friends, I was able to recover. Nakabangon din.”
Happy na rin naman ngayon si Rocco with his new girlfriend, ang volleyball player na si Melissa Gohing, “At this point, I’d say she’s the one. We get along really fine. Bihira kami magkita now because I’m in the mountains of Sierra Madre taping Descendants while she’s busy with her training. But we’ve accepted each other totally.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.