Maine aliw na aliw kay Hipon Girl ng Wowowin: Sobrang kwela niya, nakakaaliw! | Bandera

Maine aliw na aliw kay Hipon Girl ng Wowowin: Sobrang kwela niya, nakakaaliw!

Jun Nardo - December 19, 2019 - 12:10 AM

ALIW na aliw si Maine Mendoza kay Harlene Budot o mas kilala bilang Hipon Girl sa game show ni Willie Revillame na Wowowin.

Nag-guest kasi si Hipon Girl sa Kapuso sitcom nina Maine at Vic Sotto na Daddy’s Gurl.

Sa kanyang Twitter account, ipinost ng Dubsmash Queen ang selfie photo nila ni Harlene at ikinuwento pa na uma-absent pa raw ang co-host ni Willie sa school para makita siya nang gawin ang Eat Bulaga Sugod Bahay sa kanilang lugar.

Tweet ni Maine, “Si Hipon Girl ang guest namin today sa #DaddysGurl! Sobrang kwela siya talaga, nakakaaliw!”

Hirit pa ni Maine, “Pero lagi daw ako wala. Sabi ko naman, tingnan mo ngayon, ikaw na ang yung guest namin dito sa show! Bongga!”

* * *

Pinataob ng tinaguriang Heartthrob ng Imus na si Jeremiah Tiangco ang mga kalaban para tanghaling grand winner sa The Clash Season 2.

“Sobrang overwhelmed po ako and blessed dahil unang-una sa lahat, sumali po ako dito hindi para sa sarili ko kundi para sa pamilya ko,” pahayag ni Jeremiah nang humarap sa members ng media matapos ang matinding bakbakan kay Thea Astley na nagmula naman sa Qatar. Sila ang naglaban sa face-off round matapos ang matinding labanan ng Top 5 finalists.

Nag-uwi si Jeremiah ng halos P4 million premyo kasama na ang isang milyong cash, brand new car, house and lot at exclusive GMA management contract.

Sa pagtatapos ng The Clash Season 2, inanunsyo ng hosts na sina Julie Anne San Jose ar Rayver Cruz na abangan ang 3rd season ng Kapuso singing search sa 2020.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending