Pamilya ni Mico Palanca humiling ng privacy habang nagluluksa
HUMILING ng privacy ang pamilya ng pumanaw na aktor na si Mico Palanca sa gitna ng kanilang pagluluksa.
Naglabas ng official statement ang Palanca family hinggil sa biglaang pagkamatay ng 41-year-old Kapamilya actor.
Inulila ni Mico ang inang si Pita Revilla-Palanca at mga kapatid na sina Bernard, Erika, Martin at Santi. Narito ang kabuuang mensahe ng pamilya.
“We are extremely saddened by the sudden passing of our beloved brother, Miko Palanca.
“The whole family is grateful for the incredible outpour of love and support that has been coming in today.
“As of now, we would like to respectfully request for privacy as we go through this very difficult time.
“Again, we appreciate all the love and support — thank you so much
” —Pita, Lisa, Bernard, Erika, Martin and Santi.”
Batay sa inisyal na ulat, inatake umano ng matinding depresyon si Mico Palanca nang dahil sa kanyang lovelife. Hindi nagbigay ng kumpirmasyon o pagtanggi ang pamilya ng aktor tumgkol sa kumalat na balitang tumalon umano sa isang residential area sa Santolan Town sa San Juan City ang binata.
Sa isang Facebook post, nagpahayag ng pakikiramay sa pamilya ni Mico ang pamunuan ng Film Academy of the Philippines (FAP), “The Film Academy Of The Philippines extends our sincerest sympathies to the family of Mico Palanca for his untimely passing.”
Nag-post din ang dating handler ni Mico sa Star Magic na si Monch Novales sa kanyang social media accouny tungkol sa pagpanaw ng aktor, “I will miss you miko! I love you forever.”
Nagsimula ang career ni Mico sa ABS-CBN kung saan nakagawa rin siya ng ilang programa kabilang na ang youth oriented show na Gimik noong 2010 at ang teleseryeng May Bukas Pa.
Nakasali rin siya sa isa pang ABS-CBN show na K2BU kung saan niya nakilala si Bea.
Huling napanood ang utol ni Bernard sa Kapamilya series na FPJ’s Ang Probinsyano (2016) at sa Nang Ngumiti Ang Langit (2019).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.