STEVE HARVEY
NA-WOW mali raw ang host na si Steve Harvey sa katatapos lang na Miss Universe 2019 grand coronation na ginanap sa Tyler Perry Studios sa Atlanta, Georgia, USA. Na-bad trip ang mga netizens sa tila sinadya raw na pagkakamali ni Harvey sa pag-announce sa pangalan ni Miss Philippines Gazini Ganados na siyang nanalong Best National Costume. Bago rumampa ang napiling Top 10 finalists sa kanilang swimsuit competition, inihayag ni Steve ang nanalo sa Best National Costume, “Here’s a look at the winner, Philippines,” aniya.
Ipinakita pa sa big screen na nasa likod ng stage ang picture ni Gazini suot ang kanyang Philippine eagle-inspired costume na ginawa ni Cary Santiago. Ngunit nang ipakita muli ang host ang katabi nito ay si Miss Malaysia, with her Malacca-inspired national costume. Hirit kay Steve ni Miss Malaysia, “It’s not Philippines, it’s Malaysia.” Agad namang nagpaliwanag ang host sa kanyang pagkakamali, binasa lang daw niya ang nakasulat sa teleprompter, “I just read that in the teleprompter. Ya’ll gotta quit doing this to me, I can read… instead, now they tryin’ to fix it. See, this what they did to me back in 2015, played me short like that.”
Ang tinutukoy niya ay maling announcement niya noong Miss Universe 2015, sa halip na ang isigaw ay ang pangalan ni Pia Wurtzbach ng Pilipinas ang tinawag niya ay si Ariadna Gutierrez ng Colombia. Dahil sa bagong pagkakamali ni Steve Harvey sa announcement ng Best National Costume, marami ang nag-comment na parang sinasadya na ito ng organizers.
May ilan pa ngang nagsabing pambu-bully na ito sa kandidata ng Pilipinas at ang iba naman ay napamura pa. Ngunit sa tweet ng Miss Universe organizers, tama pala si Steve Harvey dahil si Gazini nga ang nanalong Best in National Costume at hindi si Miss Malaysia Shweta Sekhon. “@IAmSteveHarvey had it right: Miss Universe Philippines Gazini Ganados is the winner of the #MissUniverse2019 National Costume competition! Congratulations, Gazini.”